Tunog Star Magic launched ahead of 24th anniversary of ABS-CBN's talent management arm

IMAGE Noel Orsal

Ylona Garcia, Bailey May, and Maris Racal were some of the stars who graced the launch of Tungo Star Magic.



Inilunsad ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, ang kanilang proyektong Tunog Star Magic noong July 25, sa 14th Floor ng ELJ Building, ABS-CBN compound.

Ang Star Magic ay hindi lang tahanan ng Kapamilya actors and actresses, kundi kinabibilangan din ng magagaling na singers sa industriya. Sa pamamagitan ng Tunog Star Magic ay mabibigyan ng opportunity ang Star Magic singers para mai-showcase ang kanilang talento sa pagkanta sa pamamagitan ng Tunog Star Magic, na mapapanood sa Star Magic official YouTube Page na Youtube.com/starmagicphils.

Paliwanag ni EJ Jorda, head ng Star Magic Digital, “Actually, yung primary objective po ng Tunog Star Magic is para magkaroon po tayo ng venue yung mga artista po namin at saka celebrities na to have fun. Kasi passion po nila yung music e. Nakikita n’yo naman po how passionate they are sa craft nila. So, kung mapapansin po natin medyo mahirap na po yung traffic sa TV, di ba? So, para ma-showcase po natin yung talent nila worldwide, crineate po namin ito sa online.”

May plano ba silang i-monetize ang Tunog Star Magic?

“Maybe in the near future. Kasi pag mga covers po sa YouTube, we don’t own the song pa. Pero sa Phase two po namin marami po kaming plans na maglabas ng mga original. Nagku-compose din po kasi itong mga ito, e.

"So, kapag nag-release na po kami ng originals maybe imo-monetize na po namin.”

Maga-upload ang Tunog Star Magic ng bagong videos sa Youtube.com/starmagicphils tuwing Huwebes, 6 pm, simula sa July 28.

Itatampok sa pagsisimula ng Tunog Star Magic ang YouTube sensations na sina CJ Navato at Kristel Fulgar, na nag-viral ang music videos sa YouTube.

Pinarangalan din kamakailan si Kristel ng YouTube Silver Play Button award bilang kauna-unahang Pinoy celebrity na magkaroon ng 100,000 subscribers sa kanyang YouTube channel.

Bukod kina CJ at Kristel, kabilang din sa Star Magic talents na dumalo sa Tunog Star Magic launch sina Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Jovit Baldivino, Khalil Ramos, Klarisse de Guzman, Marion Aunor, Tippy Dos Santos, Bailey May, Ylona Garcia, Maris Racal, Loisa Andalio, Grae Fernandez, Kira Balinger, Emmanuelle Vera, at Renee Dominique.


STAR MAGIC NEWBIES. Bukod sa Tunog Star Magic ihahatid din ng ABS-CBN talent arm ang Star Magic Newbies. Mistulang slumbook, layunin ng Star Magic Newbies na ipakilala sa mga tao sa pamamagitan ng kanilang profiles ang mga bagong Star Magic artists na masasabing next in line sa stardom.

Ang Tunog Star Magic at Star Magic Newbies ay bahagi ng 24th anniversary ng Star Magic, na magkakaroon ng big celebration sa ASAP this Sunday, July 31, sa ABS-CBN.




(L-R) Loisa Andalio, Klarisse de Guzman, Grae Fernandez, Kristel Fulgar, Renee Dominique, CJ Navato, Jovit Baldivino, Marion Aunor, & Emmanuelle Vera. Photo by Glen Sibonga






ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN