MOR 2016 winners bared; Daniel Padilla named Phenomenal Artist

IMAGE Allan Sancon

Daniel Padilla was named as Phenomenal Artist of the Year at the 3rd MOR Pinoy Music Awards. James Reid was chosen as Male Artist of the Year while Morissette Amon (middle) emerged as Female Artist of the Year. Kim Chiu (right) bagged the award for LSS Hit of the Year.



Muling nagsama-sama ang mga OPM singers para sa 2016 edition ng MOR Pinoy Music Awards na may theme na “Ipanalo Ang Musikang Pilipino.”

Pinarangalan ang mga paboritong kanta at mang-aawit ng MOR listeners sa awards night na ginanap sa KIA Theater, Cubao, Quezon City noong August 7, 2016.

Ilan sa mga ABS-CBN celebrities at singers na naging presenters ay sina Alexa Ilacad, Gloc 9, Marion Aunor, Johan Hwang, Jolina Magdangal, Morissette Amon, KZ Tandingan at ang How To Be Yours stars na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Ang mga disc jockeys ay nagsilbing presenters rin tulad nina DJ Chacha, Jhaiho, Maki Rena, Rico Romantiko, Mr. Right, China Paps, Ana Ramsey, Kisses, Onse, Joco Loco, Digong Dantes, Bob Zilla, Martin Concio, Joe, Papi Charlz, Yumi, at Eva Ronda. Kasama rin sina Bryan Santos at Badjie Mortiz sa nasabing Pinoy Music Awards.

Isa sa mga highlights ng MOR Pinoy Music Awards ay ang pagbibigay ng OPM Lifetime Achievement Award sa legendary icon singer na si Rey Valera. Inawit nina KZ Tandingan, Daryl Ong, Jason Dy, Jona, Morisette at Erik Santos ang mga pinasikat na kanta ni Rey Valera, tulad na lamang ng Pangako Sa ‘Yo, Sinasamba Kita, Malayo Pa Ang Umaga, Kung Tayo’y Magkakalayo, Maging Sino Ka Man at Wala Nang Iibigin Pang Iba.

Pabirong sinabi ni Rey Valera sa kanyang speech para sa mga audience, “Parang tuwang-tuwa kayo na napanuod niyo si Rey Valera bago siya mamatay.”

Nagbigay rin ng intermission number sina Kim Chiu, Rayver Cruz, Jolina Magdangal, at marami pang iba. Kabilang rin sa performers sina Bailey Mae at Ylona Garcia na ikinatuwa naman ng mga BaiLona fans.

Sina Michael Pangilinan, Aura (ng Ang Probinsyano), Bugoy Drilon, Yeng Constantino at Zeus Collins ang na-feature sa opening number. Kinanta nila ang tatlong nominado para LSS Hit Song of the Year na “Mr. Right” (song by Kim Chiu), “Huwag Kang Pabebe” (by Vice Ganda), at “M.O.O” (by Marlo Mortel) .

Buena-manong tinanggap ni Kim Chiu ang kanyang award para sa “Mr. Right,” bilang LSS Hit Song of the Year. Tilian naman ang mga KathNiel fans at ang buong audience ng KIA Theater nang tanggapin ni Daniel Padilla ang kanyang award bilang Phenomenal Artist of the Year. Wagi din si Bailey Mae bilang Best New Artist of the Year. Bagamat hindi nakadalo sina James Reid at Nadine Lustre ay pinarangalan ang JaDine loveteam bilang Best Collaboration of the Year.


Here is the complete list of winners in the 3rd edition of the MOR Pinoy Music Awards:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LSS Hit Song of the Year: “Mr. Right” by Kim Chiu

Regional Song of the Year: “Hahahasula” by Kurt D’Fick feat. Paola Sandiego

Best New Artist: Bailey Mae

Best Revival Song of the Year: “Ikaw Na Nga” Daryl Ong

Best Collaboration of the Year: Nadine Lustre and James Reid

Album of the Year: Darren by Darren Espanto

Male Artist of the Year: James Reid

Female Artist of the Year: Morissette Amon

Song of the Year: “Triangulo” by Thyro Alfaro and Yumi Lacsamana

Phenomenal Artist of the Year: Daniel Padilla



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN