Kim Molina relates Sisa-like shoot for music video in Cubao

IMAGE Noel Orsal

Kim Molina on her music video shoot: "Yung mga tao nawi-weirduhan sa akin, kasi tumatakbo ako, paikut-ikot, tapos kanta lang ako nang kanta. Nakailang ulit ako na paikut-ikot sa Cubao Expo."



Hindi makakalimutan ng actress-singer na si Kim Molina ang Camp Sawi dahil ito ang biggest break niya sa pelikula.

Bilang paghahanda para sa kanyang role, nagpapayat siya.

Magkasunod na ginawa ni Kim ang Camp Sawi at ang music video ng “Naluluha Ako,” ang single niya sa Viva Records.

Gaya ng Camp Sawi, memorable kay Kim ang music video shoot ng “Naluluha Ako” dahil weirdo ang tingin ng mga tao na nakakita sa kanyang paikut-ikot na naglalakad, tumatakbo, at kumakanta sa Cubao Expo sa Araneta Center.

Kuwento niya, “Ay, dyuskupo, Lord, sobra!

“Yung mga tao nawi-weirduhan sa akin, kasi tumatakbo ako, paikut-ikot, tapos kanta lang ako nang kanta.

“Nakailang ulit ako na paikut-ikot sa Cubao Expo.

“One day shooting kami from 8 A.M. to 11 P.M. Masakit siya sa paa.

“After nun, kinabukasan, nagpa-foot spa ako, nagpamasahe talaga ako ng paa.”

Patuloy ni Kim, “Ang Viva ang nakaisip na parang it’s a metaphorical statement. It’s your journey all throughout.

“Ang trivia, usually kapag music video, patutugtugin lang.

“Sa music video shoot namin, tinaasan pa, tinaasan pa ng one note higher, kasi it was faster.

“The track was faster kung ano yung imi-mimic ko. It was faster than the original kaya it’s higher.

“Si Direk, sinasabi sa akin, ‘Kim, kantahin mo na parang normal.’

“Nakaka-pressure kasi paulit-ulit kang tatakbo, kakantahin mo na mataas, mabuti na lang nagawa ko.

“Honestly, may pressure ka na kung may gagawin ka, dapat maganda, kasi theater actress ka.

“Dapat on point palagi!”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN