Aljur Abrenica promises visual feast in forthcoming concert: "Mabubusog sila."

IMAGE Nerisa Almo

Aljur Abrenica explains why he and his Oh Boy! concert co-stars Derrick Monasterio, Rocco Nacino and Jake Vargas are all single: "Kasi marami pa kaming gagawin sa buhay. Marami pa kaming paliligayahin, marami pa kaming gagawing proyekto so… Mga dreamer itong mga ito, e."


Sa isang high school pageant daw nadiskubre si Aljur Abrenica na may talent siya sa pagkanta.

Dose anyos lang daw siya noon.

“We were required to do a talent portion so… I didn’t know anything, so I asked myself, ‘My mom sings, my dad sings, maybe I can sing.’

“And ang naaalala ko po, nung nasa stage ako ang una kong kinanta, 'Macho Gwapito,' yung kay Rico Puno,” at natawa si Aljur.

“Pinaghandaan ko talaga siya.

“After performing I felt na, ‘Wow! I love it!’

“Ang sarap, ang sarap sa pakiramdam! I thought, ‘maybe this could do something in my life.’

“So iyon lang, dun ko na-discover,” patuloy niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa presscon ng Oh Boy! sa Packo’s Grill nitong Linggo, August 21.

Ang Oh Boy! ay concert nina Aljur, Derrick Monasterio, Jake Vargas at Rocco Nacino sa September 23 sa Music Museum.

Produced ito ng Dreamstar Events in cooperation with GMA Corporate Communications at sa direksyon ni Marvin Caldito.

Guest daw nila sa show si Julie Anne San Jose.

Paano nabuo ang naturang concert?

Lahad niya, “Pinagsama-sama po kami ng [GMA] Artist Center.

“We were surprised but happy.

“Na-surprise kami kasi it’s been a while since nagkita-kita kami sa Sunday All Stars pa.

“So we’re grateful and happy talaga na nagkita-kita kami, and sobrang energized kami nung nalaman namin na magsasama-sama kami sa isang concert.”

ALL-STAR ALBUM IN THE WORKS? Bukod sa concert, masusundan kaya ang Oh Boy! concert ng isang album?

“Nung nag-usap-usap kami… biruan pa lang, but it feels good, ha?

“Parang posible siya.

“Siguro dito na yung magiging tahak ng career namin as a boy band.

“Hindi lang kami naghahanda for this concert, but nag-e-extra effort kami and extra time sa pag-aaral, kasi manganganak siya, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ibig sabihin, manganganak siya, magkakaroon siya ng tour, and we’re looking forward to that,” pahayag pa ni Aljur.

SURPRISES. Marami raw sorpresa na matutunghayan sa show nila.

Pag-amin niya, “Ako rin na-surprise, e!

“Dahil nung pinag-uusapan namin kung ano yung puwedeng gawin ng bawat isa.

“So watch out for the concert ‘coz it’s gonna be a blast.”

Ano naman ang mga kakantahin nila sa concert?

“From the '60s up to the present yung mga selection of songs, yung mga tumatak sa puso natin.

“Halos lahat kakantahin po namin,” detalye niya.

In terms of talent fee, sino ang pinakamahal ang TF?

“Si Rocco Nacino po,” mabilis na birong sagot ni Aljur.

“Hindi, it’s just money, we don’t really… we’re here for the project, iyon ang importante.

“And the experience, the journey.”

Wala kayang maganap na sapawan sa kanilang apat during the concert?

“Hindi magkakaroon ng sapawan kasi every artist has their own, e.

“With our uniqueness e, so ayun, we’ll just support each other.”

MAGIC MIKE NUMBER? Ang talent at kanta ang ibebenta nila sa show. Ang mga katawan nila, hindi ba nila “ibebenta?”

Maghuhubad ba sila ala-Magic Mike?

“Isa lang ang masasabi namin, mabubusog sila,” pilyong sagot si Aljur.

Nakapuno na dati nang nag-iisa si Aljur ng Music Museum noong nag-concert siya doon dati.

Paano siya napapayag na kasama pa niya ang tatlo sa isang show?

“Why not, di ba?

“Sabi ko nga, magagaling silang artists, and as an artist, I don’t see it that way, e.

“I’m always seeing things for the experience, e.

“And the journey that you could share, what you know and sa kanila din, kung ano yung puwede mong ma-absorb.

”Kasi magagaling talaga sila e,” pagmamalaki niya.

FEMALE GUESTS. Dahil walang girlfriend ngayon si Aljur, sino ang special guest na inimbitahan niya sa concert?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung wala pa, sino ang gusto niyang imbitahan?

“We’re too busy e, para isipin pa 'yan,” at tumawa si Aljur.

Pero kung meron nga ay sino iyon?

Si Louise delos Reyes na na-link sa kanya dati?

Sagot niya, “Yeah, yeah!”

Si Janine Gutierrez na pinaka-latest niyang leading lady sa Once Again?

“Yes!”

Si Kylie Padilla na ex-GF ni Aljur?

“Why not?”

ALL SINGLE GUYS. Bakit nga ba loveless si Aljur ngayon? Actually, silang apat ay puro single ngayon.

Tugon niya, “Well, as a man, yung age kasi namin, nasa twenties, e.

“This is the stage where we experience, explore and ito yung stage na magma-mature ka, e.

“So ako, mataas ang tingin ko sa mga kasama ko, they’re all leaders, e.

“They have their own, e.

“So as a man, kailangan talaga naming pagdaanan yang mga ganyang bagay in order for us to prepare us sa mga darating pa.

“So I’m excited sa bagong adventure na tatahakin ko pag dumating na siya, di ba?

“So I think that’s the reason why, e.

“Kasi marami pa kaming gagawin sa buhay.

“Marami pa kaming paliligayahin, marami pa kaming gagawing proyekto so…

“Mga dreamer itong mga ito, e.

“Nakausap ko na sila, alam ko yan, so we’re really focused on our work, our passion, especially makapagpasaya ng mga tao.

“That’s why we’re very excited with our concert.

“And malay mo, on that day sabay-sabay kaming magka-girlfriend lahat!”

LEARNING FROM PAST RELATIONSHIPS. Sa palagay ba ni Aljur ay napaligaya niya ang mga babaeng naging bahagi ng buhay niya?

“Sa pagkakaalam ko, opo!

“Pero… siyempre my state of mind during that… I’ve been single for two years, but during that time, yes.

“But kung babalikan ko, I know I made a mistake.”

Sa tanong naman kung ano ang mistake na tinutukoy niya…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Idedetalye ko pa ba? Huwag na. Okay na yun.”

Napadako muli ang interview tungkol sa pagpapasexy nila sa concert.

“Sige, bibigyan na namin kayo ng clue, yes, magpapakita po kami ng… basta magpapakita po kami,” ang pambibitin pa ni Aljur.

Ayon na rin sa apat na Kapuso hunks, guaranteed na sexy and naughty ang Oh Boy!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN