Derrick Monasterio has no more tampo with GMA-7

IMAGE Noel Orsal

Derrick Monasterio clarifies that he doesn't have any tampo with home network: "Hindi, wala, wala akong tampo. Compared sa GMA before, nagtatampo talaga ako aaminin ko. Ngayon, hindi talaga. Kasi ang daming… may show [Oh Boy!] ako, may album ako, meron akong coming show [drama series] na malaki."

 


May plano ba si Derrick Monasterio na itodo ang effort niya sa Oh Boy! concert since apat na hunks at heartthrobs ang mga kasama niya?

Para nga kasi hindi siya masapawan nina Aljur Abrenica, Jake Vargas at Rocco Nacino sa nabanggit na concert nila sa September 23 sa Music Museum.

Sagot ni Derrick, “Hindi naman po ako masasapawan, e!”

Bakit niya nasabi iyon?

“Kasi po talented akong tao.”

Ibig bang sabihin, yung tatlo ay hindi talented?

Pagklaro niya, “Para sa akin, ako yung pinaka-talented, para sa akin.”

Pero may extra effort pa rin naman daw si Derrick sa show nila na produced ng Dreamstar Events in cooperation with GMA Corporate Communications at sa direksyon ni Marvin Caldito.

Dagdag niya, “Siyempre meron pa rin po, sa rehearsals, ganun.

“E, napasayaw nga nila ako, e!

“Pasasayawin nila akong sexy-sexy.”

Parang Magic Mike?

Aniya, “Parang ganun ang dating.

“Puwede rin akong kumuha ng audience.”

Kaya tiyak na masuwerte ang mapipili ni Derrick na sayawan sa audience.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa presscon ng Oh Boy! sa Packo’s Grill nitong Linggo, August 21.

Guest daw nila sa kanilang concert si Julie Anne San Jose.

Sa tanong kung sino ang pinaka-fresh sa kanilang apat…

“Ako pa din po,” bulalas niya.

May nagbirong-tanong kay Derrick kung sino naman ang pinaka-“daks” o pinaka-well endowed sa kanilang apat.

“Ako pa rin!”

Sino ang pinakamahilig sa Pokemon Go?

“Ako po, hindi po masyado. Mahilig po pero hindi masyado.”

Ang pinakamagaling umarte?

‘Siguro si Rocco.”

Sino ang pinaka-delicious?

“Ako pa rin.”

Sino ang pinaka-walang karanasan sa sex?

Sabi niya, “Feeling ko ako. Kasi ako ang pinakabata, e.”

Sino ang pinaka-yummy para sa mga bading?

“Ay, ako! Sure ako!” natatawa niyang sagot.

Dalawa ang grupong kinabibilangan ni Derrick: ang Oh Boy! group at ang Heartthrobs nila nina Alden Richards, Tom Rodriguez at Dennis Trillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ako ang pinakalugi dun, kasi made na sila, e.”

Karangalan niya na mai-level sa tatlo.

Ibig sabihin malakas siya sa GMA.

Pahayag niya, “Hindi rin, siguro ngayon, wala na silang nakikitang ibang puwede.”

NO GRUDGE AGAINST GMA. Ibig ba niyang sabihin ay wala na lang choice ang GMA kaya siya binibigyan ng magagandang projects ngayon?

“Oo, parang ganun po, siguro.”

May tampo ba siya sa GMA?

Paglinaw niya, “Hindi ako nagtatampo.

“Masaya ako sa GMA.

“Pero feeling ko, may nakikita silang something sa akin na hindi ko nakikita sa sarili ko.”

May tampo pa rin ba siya sa GMA?

Diin niya, “Hindi, wala, wala akong tampo.

“Compared sa GMA before, nagtatampo talaga ako aaminin ko.

“Ngayon hindi talaga. Kasi ang daming… may show [Oh Boy!] ako, may album ako, meron akong coming show [drama series] na malaki.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN