Brod Pete and Long Mejia to spoof Richard and Dingdong in their comedy show


"Wala naman kaming bababuyin sa show. Sa comedy lang nakakatawa. Kung makasakit man kami, e, ngayon pa lang nag-a-apologize na kami," assured comedian Brod Pete (left, with Long Mejia) about their spoof on Richard Gutierrez and Dingdong Dantes.



Muling magsasama sa isang live comedy show ang mga komedyanteng sina Isko Salvador a.k.a Brod Pete at Long Mejia na pinamagatang Ka Pete Na Ka Long Pa sa Music Museum on September 6, 13, 25, and October 2. Unang nagkasama noon sina Brod Pete at Long sa Music Museum nung panahon ng pang-i-spoof nila sa The Hunks.

Clueless si Brod Pete kung bakit sila ni Long ang kinuha ng producer na si Jacob Fernandez para mag-show.

Paliwanag naman ni Jacob, "E, kasi nanoood ako ng Poohkwang [comedy show of Pokwang and Pooh]. So, bibili dapat ako ng gabi. E, ABS-CBN lang pala ang puwedeng mag-produce. Solo lang pala talaga nila ‘yon. So, nag-isip ako ng puwede kong gawin na show for the year, sila ang naisip ko kaagad. Kasi nga, well, actually nakatrabaho ko nang madalas si Long sa mga fiesta.

"Nag-isip nga ako talaga kung sino. Ang daming comedians, e. Naalala ninyo, ako ang unang nag-produce ng Ai-Ai [delas Alas], hindi pa siya sikat. So, sabi ko, silang dalawa may future pa na lumaki, malaking-malaki.

"Naisip ko talaga silang dalawa. Sabi ko kay Long, tawagan mo si Brod Pete. May mga guest na lang na mga babae like si Faith [Cuneta], para may kakanta rin.

"Magaling na writer si Brod Pete. Bata pa ako, writer na ‘yan. Di ba, John En Marsha days pa ‘yan? 'Tapos napapanod ko siya sa Pilipinas, Game KNB, tuwang-tuwa talaga ako.

"After nito, may U.S. tour pa sila at the end of the year, mga November. Yung show nila bagong comedy, seryosong comedy. Comedy show talaga," lahad ni Jacob.

Upon hearing this, natuwa naman si Brod Pete sa sinabi ng producer ng show nila ni Long. "Pero sana hindi siya nagkamali sa desisyon niya na mag-producer ng concert para sa aming dalawa," nangingiting sabi ni Brod Pete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napanood ba ni Brod Pete ang Poohkwang?

"Hindi namin napanood, pero siya [Jacob] napanood niya. Na-inspire talaga siya. Sabi niya, ‘Parang gusto kong gumawa ng ganito, sino kaya?'"

Nung ina-approach siya ni Jacob for the show, pumayag ba siya agad?

"Hindi, si Long ang tinawagan. Sila ang magka-kontak, e. ‘Tapos tinawagan ako ni Long. Nag-usap kami. ‘Ayun, isang gabi lang nabuo lahat."

Pumayag agad siya na si Long ang maka-partner niya sa show?

"E, siya ang nag-text sa akin!" tawa ni Brod Pete. "Actually, si Long lang ang nagsama sa akin. Si Long ang kinontak ni Jacob. Pero kung may choice ako, ako lang mag-isa. Hindi ko siya ite-text," biro ng komedyante.

Ano ang gagawin nila sa show? "Ang dami, mga sketches, mga gags."

Sino ang i-spoof nila sa show? "Si Dingdong i-spoof niya [Long], ako si Richard Gutierrez."

Hindi kaya may mag-react sa gagawin nilang pangi-spoof?

"'Yan nga ang tanong, e. Mabuti yun para pag-usapan. Pero wala naman kaming bababuyin sa show. Sa comedy lang nakakatawa. Kung makasakit man kami, e, ngayon pa lang nag-a-apologize na kami," saad ni Brod Pete.

Pinamagatan nilang "Backout: The Benchwarmers" ang spoof na gagawin nila kina Richard at Dingdong, na inspired ng Blackout fashion show ng Bench. Ano ang isusuot nila?

"Magbi-brief si Long, naka-topless ako na naka-pantalon. Hindi, actually, intro lang yun, e. Ang highlight talaga nun, sasayaw si Long ng ano parang sa gay bar," banggit ni Brod Pete.

Napag-alaman din namin na ang talent fee na ibinayad kina Brod Pete at Long ay kapareho ng ibinayad ni Jacob kay Gabby Concepcion nang mag-guest ang aktor sa show ni Faith Cuneta.

Ano ang feeling na ka-level nila sa talent fee si Gabby?

"Kawawa naman pala ‘yang si Gabby Concepcion!" natatawang pagtatapos ni Brod Pete.


Click HERE to buy tickets to Ka Pete Na Ka Long Pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN