Boy band #Hashtags set to surprise at first concert on Sept 24

by John Fontanilla
Sep 20, 2016
The boy band #Hashtags is hitting their stride with their first album going Gold and their first concert under way. Whatever the future holds for them, one thing is certain—they all want to be a group.


Grabeng preparasyon na daw ang ginagawa ng all-male boy group ng ABS-CBN na #Hashtags para sa concert nilang na #Hashtags ...The Road trip.

Ang grupo ay binubuo nina Jameson Blake, Nikko Natividad, Jimboy Martin, Mccoy De Leon, Luke Conde, Zeus Collins, Ronnie Alonte, Ryle Paolo Tan, Paulo Angeles, Jon Lucas, at Tom Doromal.

Ayon nga kay Jameson, “Going well so far, two weeks left and, so far, almost done.

“Polishing lang and adjusting ng konti, but everything is okay. "

First concert nila ito kaya kabado raw silang lahat.

Sabi nga ni Jameson, “Opo, kasi first concert and medyo nangangapa pa kami sa gagawin namin.

“Naga-adjust pa kami sa mga routines namin.

“Sobrang liit na lang ng preparations namin kaya medyo may konting kaba kami.”

Ayon naman kay Ronnie, “Pero okay na naman lahat.

“Na-ready na namin lahat ng gusto naming maipakita naming talent sa mga manonood ng concert namin."

Magaganap ang #Hashtags… The Road Trip concert sa Kia Theater, September 24, 2016.

Nakausap namin ang grupong #Hashtags sa birthday celebration ni Archie Chua na ginanap sa Papa Johns sa Quezon City.

Napapanood ang grupo mula Lunes hangang Sabado sa It's Showtime.


SOLO NUMBERS. Sa una nilang concert, kaabang-abang daw ang pasabog na production numbers nila as a group at ng bawa’t isa sa kanila.

Lahad ni Zeus, “Kasi yung mga hindi pa nila nakikita na talent namin individually, dun namin ipapakita.

"First time lang nila makikita kaya pihadong masu- surprise yung mga manonood ng concert namin.

"Kahi't kami na-surprise sa mga iba pang talento ng mga kasama namin sa #Hashtag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung kami na-surpise, for sure yung mga manonood masu-surprise din."

Handa daw sila sa kung sino ang papatok sa mga manonood sa kanilang individual production number.

Sabi nga ni Paolo, “Siyempre chill lang, kasi yung pagpapakilig sa tao depende sa performance mo, e.

“Kunwari… mas malakas yung tilian nung nauna, e, di mag-extra effort ka para pantay-pantay lahat.

"Lahat naman may puwedeng gawin sa lahat ng bagay para mas maging maganda ang performance mo, e."

Inspiration din naman daw nila ang isa’t isa.

Sang-ayon ni Jameson, “Oo, pinapanood po namin yung bawat number ng bawat isa.

“Mas inspired kami na galingan pa yung solo performances namin kapag nakita namin na maganda yung performance ng kasama namin.”


GOLD ALBUM. Masaya ang grupo dahil naka-Gold ang album nila.

Lahad pa ni Ronnie, “Speechless, sobrang masaya kami kasi hindi naman namin ini-expect.

“Kumbaga yung nagka-album lang kami, sobrang blessings na yun.

“Nang nag-Gold yung album namin, bonus na yun.”

Sabi naman ni Zeus, wala pa daw sa plano nila na magkaroon ng another album

Aniya, “Wala pa… ang focus kasi namin ngayon yung mas ma promote pa namin yung first album namin at dun sa concert namin na paparating.”

Marami na rin ang nagbubuo ng boy group pagkatapos mag-click ang #Hashtags, ano ang tingin nila sa competition.

Sabi ni Paolo, "Sa lahat naman ng boy band nangyayari yun.

“Katulad dati, may Blue ’tapos sinundan ng One Direction.

"Kung ano ang ‘in’ yun ang susundan, nagkataon lang din na nauna kami, kaya masuwerte kami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Siguro may mga nag-plano na rin na magbuo noon, mga solo artist na pinagsa sama, kami lang ang nauna."


TIMELINE. Ano naman ang future plans ng grupo?

"Depende pa rin naman ‘yan sa amin, if gusto pa ba namin na makatrabaho ang isa't isa.

"Depende din sa mga tao kung gusto pa ba nila kami as a group, susuportahan pa ba nila kami,” lahad pa ni Paolo.

Ang sigurado, lahat daw sila sa grupo ay nangangarap na makagawa ng isang pelikula o teleserye na magkakasama sila.

At mula sa mga miyembro ng grupo, eto ang kanilang mensahe sa mga concertgoers: “Salamat sa suporta sa #Hashtags, sisiguraduhin namin na hindi masasayang ang pagpunta ninyo kasi gagawin namin lahat lara mapasaya kayo."


Read Next
Read More Stories About
Hashtags
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The boy band #Hashtags is hitting their stride with their first album going Gold and their first concert under way. Whatever the future holds for them, one thing is certain—they all want to be a group.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results