Former "Wowowee" co-host Janelle Jamer tries to enter U.S. music scene


"Siyempre at first, it was hard for me to adjust. Three years ko rin ginagawa yun. But every day, life goes on. You never stop looking for something new na mas makikilala mo ang sarili mo. So, yun ang ginawa ko. Kung hindi ako nag-quit ng Wowowee, probably wala ako ngayon dito," says Janelle Jamer when asked if she had any regrets in resigning from Wowowee.



Nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) through the Internet si Janelle Jamer na ngayon ay nasa Atlanta, Georgia. Si Janelle ang dating co-host ni Willie Revillame sa noontime show na Wowowee, pero nabigla ang lahat nang magdesisyon siyang mag-resign sa naturang program, kasabay rin nito ang mga intrigang pagli-link sa kanilang dalawa ni Willie.

Ang huling balita ng PEP kay Janelle ay under na siya ng management ng kapatid ni Regine Velasquez na si Cacai. Pero ayon kay Janelle, matagal na raw siyang wala kay Cacai at nag-decide siyang magpunta na lang ng Canada at mag-stay sa kanyang kapatid.

Pero kailan lang daw, nagkaroon siya ng series of shows sa Europe kasama si Vhong Navarro. Pero instead na sa Pilipinas umuwi, sa Georgia na siya dumiretso. Noong una ay ayaw pang ipasulat ni Janelle ang pinagkakaabalahan niya ngayon at reason kung bakit siya nasa Georgia. Afraid daw siya na baka wala namang maniwala.

Na-discover daw kasi si Janelle nang nakiki-jamming siya sa Pilita's sa may Greenhills ng black American na si Julie Vaughn, na siyang tumatayong manager niya ngayon sa U.S.

"At that time kasi, si Julie, she was in the Philippines dahil may plano sana siyang mag-try sa Pilipinas at kung makapagdala ng mga artists. Kaso yung contact naman pala niya, wala rin magagawa. And then, she's having coffee nang marinig niya akong kumanta. So, yun na, in-approach niya ako. At first, hindi talaga ako naniwala sa kanya," natatawang kuwento ni Janelle.

Three weeks pa lang daw siya sa Atlanta, Georgia at sa kasalukuyan ay nagre-recording siya para sa demo tape na kailangan nilang i-present sa iba't ibang record labels. Kapag may nagkagusto, doon pa lang siya magsa-sign at makakagawa ng album.

Si Julie ay girlfriend ng composer/arranger na si Brian Kidd, isa sa kinikilalang arranger ng mga singers sa Hollywood. Isa sa ginawa raw nito ay ang remix ng "Say My Name" ng Destiny's Child and now collaborating sa production ng isa pang singer na si Kevin Michael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Positive ang outlook ni Janelle. Para sa kanya, ngayong may opportunity na dumating sa kanya, bakit naman daw hindi niya ita-try since a lot of local singers naman daw talaga ay pangarap na makapasok sa international music scene.

Dahil hindi na masyadong naging visible si Janelle after her stint in Wowowee, PEP asked her kung hindi ba siya nakaramdam ng regret nang mag-resign siya sa naturang show.

"Siyempre at first, it was hard for me to adjust," sabi ni Janelle. "Three years ko rin ginagawa yun. But every day, life goes on. You never stop looking for something new na mas makikilala mo ang sarili mo. So, yun ang ginawa ko. Kung hindi ako nag-quit ng Wowowee, probably wala ako ngayon dito."

Hindi na rin daw siya magtataka kung may iba pang isyu na maglabasan now that she's in the U.S. and probably stay there until January of next year. Pero ani Janelle, she's happy with all the things that is happening to her right now kahit wala raw siyang lovelife ngayon.

"Wala talaga. I'm very much single, but it's okay with me. Happy ako kahit wala. At kung magkaroon man, I won't deny it," sabi ni Janelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN