Brod Pete and Long Mejia all set for "Ka Pete Na, Ka Long Pa, The Gag Concert of the Decade"

by Roldan Castro
Aug 23, 2008
Brod Pete (left) and Long Mejia (right) topbill the gag concert Ka Pete Na, Long Ka Pa, which will be staged on September 6, 13, 25, and October 2 at Music Museum.

Balitang sumasakit na ang ulo ng producer na si Jacob Fernandez kina Isko "Brod Pete" Salvador at Long Mejia dahil hindi raw mapagsabay ang dalawa sa TV promo ng iprinodyus niyang show para sa dalawa sa Music Museum. Balitang hindi sinipot ni Long ang TV promo nila sa Juicy ng TV5 at mag-isa lang si Brod Pete na nag-promote.

Napapangiti na lang si Jacob sa attitude ng cast niya sa Ka Pete Na, Ka Long Pa, The Gag Concert of the Decade. Inaayos naman daw nila ang schedule ng dalawa.

Samantala, ginagawa ring biro ni Jacob kung magkano ang talent fee (TF) ni Brod Pete sa show na ito sa September 6, 13, 25, at sa October 2.

"Ka-level ni Gabby Concepcion," ani Jacob dahil siya rin ang nag-produce ng birthday concert noon ni Faith Cuneta, na guest si Gabby.

Tinanong din namin si Long kung sino naman ang ka-level niya sa TF. "Ka-level ni Senator Kiko Pangilinan!" pagbibiro niya.

Continue reading below ↓

Humihingi rin si Long ng sorry sa producer dahil nagkaroon ng conflict sa schedule niya ang hindi pagsipot sa promo sa Juicy.

Dahil sa dami ng mga kaibigan nina Brod Pete at Long Mejia sa showbiz ay marami ring mga artista na magsusulputan at magbibigay sa kanila ng suporta sa kanilang concert. As of now, secret pa lang ang kanilang maisasagot kung sinu-sino ang mga stars ng showbiz ang susuporta sa kanilang first-ever stand-up show. Pero balitang darating sina Cesar Montano, Angelica Jones, at Faith Cuneta.

Kasama sa gagawin nina Brod Pete at Long sa kanilang pagtatanghal ang mga sketches na "Dating Doon," "Hung Hunks," ang pinakaaabangang "The Singing B."

Sa ngayon, pinag-iisipan din nila kung gagawin nila ang kanilang surprise act na "Backout: The Benchwarmers" dahil sa takot na matarayan sila ni Annabelle Rama. Ang naturang sketch ay halaw sa Blackout fashion ng Bench kung saan nagkaroon ng kontrobersiya sa pagitan nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes. Pero may statement si Long na hindi siya natatakot kay Bisaya.

Continue reading below ↓

Inaasahan din ni Long na susuporta ang pinsan niyang si Manny Pacquiao, na tinaguriang "caregiver" dahil binigyan siya ng kotse ng boxing champ. Hanggang ngayon, todo pa rin ang pasasalamat ni Long sa ibinigay na kotse sa kanya ng ating Pambansang Kamao.

"Siya pa mismo ang nagsabi sa akin nun na kamag-anak ko siya. Tinanong niya [Manny] ako kung talagang Mejia ang apelyido ko dahil Mejia raw ang lola niya. ‘Tapos nung sinabi kong taga-Leyte ang Mejia side namin, siya rin daw. So sabi niya, ‘Magpinsan tayo.'"

Binigyan daw siya ng kotse (Toyota) ni Manny dahil nakita raw nito na nagko-commute siya't walang sariling sasakyan. Naibenta raw kasi niya pati ang kanyang kotse during those times na nasa krisis siya.

"Dahil ang salita niya, ‘Pinsan kita, ayoko nang wala kang kotse.' Birthday ko nun nung ibinigay niya yun. May kasama pang tseke yun worth fifty thousand para pang-gasolina raw. At hanggang ngayon, nakasuporta siya sa akin. Basta kapag nandito siya, tinatawagan niya ako at binibigyan ng panggastos. Malaking tulong din sa akin lalo ngayong wala namang masyadong raket.

Continue reading below ↓

"Binibiro ko nga, bigyan na niya ako ng sampung milyon, kahit ten years na kaming hindi magkita!" tawa niya.

Aminado naman ang komedyante na nasa krisis siya at madalang pa sa patak ng ulan ang mga offers. Kaya nga tuwang-tuwa siya nang dumating sa kanya ang alok na mag-show sila ni Brod Pete sa Music Museum at sana raw ay ito na ang hudyat ng kanyang pagbabalik.

Read Next
Read More Stories About
Long Mejia
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Brod Pete (left) and Long Mejia (right) topbill the gag concert Ka Pete Na, Long Ka Pa, which will be staged on September 6, 13, 25, and October 2 at Music Museum.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results