Kim Domingo and Aicelle Santos to guest on T.O.P. In Concert

IMAGE Noel Orsal

GMA Artist Center's all-male group will hold first major concert at the Music Museum on October 28, 2016.



Blessing para sa GMA Artist Center’s all-male group na T.O.P. (Top One Project) ang kanilang first major concert titled T.O.P. In Concert na gaganapin sa Music Museum sa October 28.

Hindi nila inakala na matutupad ang isa sa mga pangarap nila. Given na kasi yung nagkaroon sila ng album dahil kasama sa premyo nila bilang winners sa To The Top ang recording contract sa GMA Records.

Ang To The Top ang reality show at boyband competition ng GMA Network na umere noong 2015.

Ibang kasiyahan daw ang naramdaman nila nang sabihan sila ng GMA Artist Center na mag-ready na para sa kanilang concert.

“Siyempre excited na excited kami, hindi po namin in-expect din. Very pressured na magka-concert kami dahil for sure yung mga mentor namin manonood, yung mga fans din. Kumbaga noong una ang gusto lang po namin is yung magka-album and i-promote yung music. So, blessing na rin po talaga na nagka-concert kami. And makakatulong din po kami dahil part ng kikitain ay mapupunta sa Children’s Charity Ward ng Philippine Orthopedic,” sabi ng leader ng grupo na si Miko Manguba.

Bukod kay Miko M., kabilang din sa five-piece boyband sina Adrian Pascual, Joshua Jacobe, Louie Pedroso, at Mico Cruz.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miko M. at ang iba pang members ng T.O.P. sa pocket presscon nila noong Setyembre 27 sa 17th Floor ng GMA Network building.

SPECIAL GUESTS. Makakasama ng T.O.P. sa kanilang concert ang kanilang fellow Kapuso artists na sina Kim Domingo at Aicelle Santos bilang special guests.

Kakayanin ba nila ang kaseksihan ni Kim?

“Opo naman kakayanin po,” ani Louie.

Dagdag pa ni Miko M., “Siyempre kakayanin po namin si Kim Domingo kasi first major concert po namin, so itotodo na po namin. Although hindi namin image yung magpa-sexy, siguro iyon rin yung aabangan kung paano iti-take ng T.O.P. ang kaseksihan ni Kim.”

“Opo,” ang halos sabay-sabay na sagot naman ng T.O.P. members nang matanong kung crush ba nila si Kim.

Ano naman ang masasabi nila kay Aicelle?

“Nakakatuwa po, e, kasi napanood ko po siya sa Rak of Aegis, twice ko na po siyang napanood. Grabe yung boses niya, so pressured na makakasama namin siya on stage. Naging judge din po namin siya sa To The Top, and ngayon makakasama na namin siyang mag-perform. Very overwhelming lang po yung mga nangyayari,” ayon kay Miko M.


REPERTOIRE. Aabot daw sa 29 o mahigit pang mga kanta ang aawitin ng T.O.P. sa kanilang concert. Siyempre kakantahin daw nila ang ilan sa mga awitin sa kanilang album, sa pangunguna ng kanilang carrier single na "Paggising."

May mga cover songs din silang ipe-perform gaya na lang ng "Higher," originally performed by Quest.

Very meaningful at bagay na bagay daw sa journey ngayon ng grupo ang lyrics ng kantang ito lalo na ang parteng chorus na: “I’m gonna reach higher / Set the whole world on fire / Cause now I’m stronger, faster, wiser / I will never give up / I’m a fighter / Keep elevating / Be amazing stay blazing / Until I hear you say ‘We made it’ / Leave the whole world celebrating / We never say die / Til we reach the sky / Cause we’re meant to fly / Time to fight”

Magkakaroon din daw sila ng special rendition ng hit single ni Willie Revillame na "Ikaw Na Nga."

Bukod sa group songs na kakantahin nila, may solo performance din daw ang bawat miyembro. Katulad na lang ng Justin Bieber medley na gagawin ni Adrian.

Sorpresa na lang daw ang iba pang mga kanta at performances nila. Pero sinisigurado nilang mag-e-enjoy ang kanilang fans at supporters.


NOMINATIONS. Itinuturing din ng T.O.P. na inspirasyon para sa kanilang concert ang natanggap nilang nominasyon sa dalawang kategoryang Duo/Group of the Year at Dance Album sa 8th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club na magaganap sa Oktubre 23 sa Novotel sa Cubao, Quezon City.

Makakalaban ng T.O.P. sa Duo/Group of the Year ang Callalily, Never The Strangers, Silent Sanctuary, Six Part Invention, The Company, at The Juans.

Kasama naman nilang nominado sa Dance Album of the Year ang albums nina Sam Concepcion, Bailey May, Darren Espanto, Classy Girls, Hashtags, The Juans, at Ron Antonio.


TICKETS. Masaya rin ang T.O.P. dahil sa araw na in-announce sa publiko ang kanilang concert ay almost sold-out agad ang VIP tickets. At dumarami raw ang nabebentang tickets everyday.

Mine-message pa raw sila ng fans na nakabili na ng tickets.

Ang tickets sa T.O.P. In Concert ay nagkakahalaga ng P2,000 (VIP), P1,500 (Lower Box), P1,000 (Orchestra), at P500 (Balcony).
Mabibili ang tickets sa www.ticketworld.com.ph at sa lahat ng Ticket World outlets nationwide.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN