Sharon Cuneta will have daughter Frankie as guest in upcoming concert

IMAGE Allan Sancon (Sharon) / Mark Atienza (Frankie)

Sharon Cuneta will perform at the The Theatre at Solaire on October 15 and 22, 2016. Her daughter Frankie Cuneta Pangilinan (right) will be one of her guests.



Excited si Sharon Cuneta na pag-usapan ang nalalapit niyang concert na Sharon sa October 15 at 22 sa The Theatre at Solaire.

Ayon sa Megastar, ito ang muli niyang pagbabalik sa concert scene. Taong 2012 pa noong huli siyang mag-concert kasama si Martin Nievera sa Araneta Coliseum.

“Yes, I’m back sa singing on the stage. You know, excited ako kasi yung venue hindi siya kaliitan, hindi rin siya kalakihan, so this is what I call an intimate concert and this is what I needed this point in time. It’s a beautiful theatre, nakakanta na ako dito, e.

"It holds about almost two thousand people. That kind of right amount of audience for now na it’s not just going to be a night of music, pero it’s going to be a show because I’m really happy."

Ayon sa ABS-CBN star, "When I’m happy, I’m funny. So, I like that, I like having that rapport with an audience na ganyan. Iyan yung mga hindi ko magawa pag malaki ang venue. So, I’m very… parang 200 percent more than the 100 percent happy that I’m going back to do a concert again dito sa Pilipinas and here at the Solaire.”

Si Paolo Valenciano ang magdidirek ng concert habang si Louie Ocampo naman ang musical director.

Special guest ni Sharon sa concert ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan gayundin ang Top 24 ng The Voice Kids Season 3 na kabilang sa Team Sharon.

Last August 20, nag-perform si Frankie ng kanta ni Sharon na "Mr. DJ" para sa Eat Bulaga!

(To watch her performance, click: Sharon Cuneta's daughter Frankie performs 'Mr. DJ' on Eat Bulaga)





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN