Here's how Alden Richards thrilled AlDub fans during London concert

IMAGE Allan Diones / From @leysam17



LONDON, UK -- Itsurang nag-fiesta ang mga Pinoy dito sa London, lalo na ang Aldenatics, sa pagdating ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Dinayo ng AlDub Nation hindi lang mula sa U.K. kundi mula pa sa iba’t ibang panig ng Europa ang At Last in London: Alden Richards Live! noong Linggo nang hapon (London time) sa Troxy, na nasa 490 Commercial Road, Stepney sa East London.

May mga AlDub fans na lumapit sa amin at sinabing nanggaling pa sila ng Ireland, Scotland at Belgium.

Ang iba sa kanila ay mga nagpunta rin sa Como sa Italy nang mag-shoot doon sina Alden at Maine Mendoza ng pelikulang Imagine You and Me.

May t-shirts na binebenta sa may lobby ng Troxy. Bilang Sunday ‘yon ay parang may malaking reunion ang mga Pinoy sa nasabing venue.

Binati ng hosts ang mga fans na nanggaling pa ng Spain, Germany, Denmark, Hungary at kung saan-saan pa.

Puno ang VIP section na pinakamahal ang tiket na may kasamang meet & greet, t-shirt at cocktails. Ito ay nagkakahalaga ng 80 GBP o British Pounds o equivalent to P4970 pesos.

Sa Gold section ay 45 GBP (P2796 pesos) ang halaga ng tiket, habang sa General Admission sa balcony ay 30 GBP (P1864 pesos) ang tiket.

Sa posters, nakalagay na 3:00-5:00 PM ang show, pero bandang 4:30 PM na lumabas si Alden.

Sa pre-show ay iba’t ibang local talents ang nag-perform, na hindi lang mga taga-U.K. kundi from all over Europe.

Sa main show ay naunang mag-perform kay Tisoy ang Hungarian boy group na Spoon 21 (na finalist sa The X Factor Hungary 2014), sumunod ang petite pianist from Cebu na si Kate Torralba (dating fashion designer na based na ngayon sa London) at ang female group na Zyrah Rose (finalist sa Britain’s Got Talent 2016).

Tilian ang audience nang sumampa na sa stage ang Pambansang Bae at kantahin ang hit song niyang "Wish I May."

Natuwa si Alden dahil very energetic ang crowd. Nakakagana raw mag-perform.

After his song number ay nag-thank you siya sa lahat ng sumusuporta sa kanilang dalawa ni Maine.

Hiyawan ang AlDub Nation London sa next song niyang "God Gave Me You" na national anthem ng AlDub fans.

Mas naging wild ang crowd nang bumaba sa audience si Alden habang kumakanta.

Nang awitin ni Tisoy ang latest single niyang "Rescue Me" mula sa bago niyang album ay may kinantahan siya sa stage na isang lucky female fan.

Nag-boyband medley rin si Alden, na first time niya raw pinerform sa isang show.

Nabuhay ang crowd at napasayaw nang humataw si Tisoy ng Trumpets Challenge.

Tilian sila sa tuwing gumigiling ang Kapuso heartthrob.

May pa-short game pa si Alden sa ilang girls na pagalingan humirit ng pick up lines.

Bago natapos ang programa ay nag-selfie si Baeby Boy with the London audience.



PERSONAL TRIP WITH MAINE. After the show ay nakatsikahan ng PEP si Alden sa kanyang dressing room bago siya lumabas para sa kanyang meet & greet session.

Ang sabi niya, sobrang saya niya sa outcome ng show dahil hindi niya ine-expect na ang dami palang supporters ng GMA Pinoy TV sa London.

Ang GMA Pinoy TV kasama ng GMA Life TV at GMA News TV International ang exclusive media partners ng At Last in London na produced ng Prismworks Productions.

First time ni Tisoy sa U.K. at in-enjoy niya nang husto ang kanyang trip.

Babalik siya rito ng end of the month for a personal trip na kasama si Maine.

Ayaw niyang sabihin kung sinu-sino ang mga kasama nila ni Menggay. Secret na lang daw.

Sabi sa amin ni Alden, ang highlight ng kanyang trip ay ang pagpunta niya sa Harry Potter Studio.

Potterhead (tawag sa avid Harry Potter fan) daw kasi talaga siya kaya ganun na lang ang saya niya nang makabisita siya sa set ng Harry Potter movies sa Warner Bros. Studios sa Leavesden.

Masayang kuwento sa amin ng Pambansang Bae, hindi siya makausap ng mga kasama niya habang nandun sila.

As in may sarili raw siyang mundo. Hawak niya ang kanyang HP Studio Tour passport at siya raw mismo ang naghahanap ng Golden Snitch.

“Enjoy siya, Tito! Sobrang enjoy!” ang bulalas ni Tisoy.

Gusto niya rin sanang manood ng play na Harry Potter and The Cursed Child sa West End, kaya lang ay wala silang nakuhang tiket dahil soldout ito hanggang 2017.

In fairness ay hindi na raw siya naghanap ng mga Pokemon sa London dahil graduate na siya sa paglalaro ng Pokemon Go na dati niya ring kinahiligan.

Free day ni Alden noong Lunes at ang sabi niya sa PEP ay balak niya pang mag-ikot-ikot within the city.

Hindi na raw siya tutuloy ng Stonehenge na gusto niya rin sanang puntahan dahil outside London ito at wala na raw siyang time.

Ngayong Martes ay magsa-shopping muna siya ng mga pasalubong dahil gabi pa ang flight niya pauwi ng Manila.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN