Sylvia Sanchez mobbed by crowd at Ang Probinsyano anniversary concert

IMAGE Noel Orsal

Sylvia Sanchez is thrilled that her children Anjo and Ria Atayde are getting the attention of local showbiz's award-giving bodies. "Ngayon talaga, wish ko para sa mga anak ko na, e. Kaka-wish ko para sa mga anak ko, binibigyan din ako ng Diyos ng para sa akin. Thankful ako." 



Dinumog ng mga tao si Sylvia Sanchez matapos nitong manood ng FPJ's Ang Probisyano anniversary concert sa Araneta Coliseum kamakailan.

Nag-perform ang anak nitong si Arjo Atayde sa concert bilang kasama ito sa cast ng popular na teleserye.

Nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi na nga halos makalabas ng venue ang aktres sa dami nang gustong makipag-piktur at selfie sa kanya.

Ito ay dahil sa malakas na impact ng kanyang role bilang si Mama Gloria sa afternoon soap na The Greatest Love ng Kapamilya network.

Dito ay ginagampanan niya ang papel ng isang ina na may Alzheimer's disease.

Reaksiyon ni Sylvia, "Nakakatuwa kasi ba't daw bumata si Nanay Gloria sa personal.

"Sabi ko naman, 'Nagme-make up kasi ako para tumanda.'

"Nag-ugat ang lahat ng ito dahil sa Be Careful, dun talaga ako tumatak as Nanay Teresita.

“‘Tapos nasundan as Mamay sa Ningning, 'tapos nanay din ni Dominic Ochoa sa Super D.

“‘Tapos heto na, si Nanay Gloria na.”

OFFBEAT ROLE. Ipinagmamalaki ng veteran actress na ang tawag na sa kanya ng mga nakakakita sa kanya ngayon ay Mama Gloria.

Saad niya, “Natutuwa naman ako dahil na-appreciate naman nila ang ginagawa ko."

Ibig bang sabihin nito ay hindi na siya puwedeng maging kontrabida sa telebisyon o pelikula?

Mabilis na sagot niya, "Puwede! Gusto ko nga, e.

"HIndi porke't lead role ako o bida ako bilang si Gloria, puro bida na lang ako.

"Hindi, e, k may offer na kontrabida, okey lang.

“Kaya nga, artista, 'di ba?

"Kung ano'ng role gagampanan ko, basta, magandang role.

"Hindi naman ako maghahanap after Gloria na sobrang laki rin?

"Depende kung ano ulit ang ipagkaloob sa akin ng Diyos."

Pero may isa nga raw niyang pangarap na role sa ngayon.

Aniya, "Ang pangarap ko ngayon ay off-beat roles.

"Yung kakaiba naman, yung mga hindi ko pa nagagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang focus ko, wala talaga sa isip ko na next na ako, bida pa rin ako.

"Wala talagang ganun."

NOMINATED FAMILY. Sobrang ikinatutuwa ni Sylvia Sanchez ang nominasyong natanggap niya pati na rin ng mga anak niyang sina Arjo at Ria Atayde sa darating na 30th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Televison ngayong October 23.

Si Sylvia ay nominado sa kategoryang Best Drama Supporting Actress para sa teleseryeng Ningning.

Si Arjo ay nasungkit ang nominasyon sa Best Drama Supporting Actor para sa FPJ's Ang Probinsyano.

Si Ria naman ay nominated bilang Best New FemaleTV Personality dahil naman sa kanyang performance sa episode ng Maalaala Mo Kaya, ang "Puno ng Mangga."

Nang makapanayam ng PEP ang batikang actress sa Taste of L.A. nitong Sabado, October 8, hindi nga nito mapiligan ang kaniyang kasiyahan.

Noong araw din na ‘yon inilabas ang nominasyon.

Bulalas niya, "Siyempre, masaya.

"Hindi ko naman alam na manu-nomnate kaming tatlo, 'di ba?

"Ako, si Arjo, si Ria. Thank God, ganun na lang.

"Pasalamat tayo sa Diyos."

Paano kung silang tatlo ay manalo?

Tugon ni Ibyang (palayaw ni Sylvia), "'Pag nanalo, 'di mas lalong masaya.

"Pero, sa akin, kahit ang mga anak ko na lang.

“Kahit hindi na ako manalo, mas gusto ko silang magkapatid.

"Kumbaga ako, okey na ako, e, ang dami ko ng blessings."

Dugtong pa niya, "Ngayon talaga, wish ko para sa mga anak ko na, e.

"Kumbaga, kaka-wish ko para sa mga anak ko, binibigyan din ako ng Diyos ng para sa akin.

"Thankful ako, ganun."

Tatlong awards na ang natanggap ni Sylvia sa Star Awards for TV.

Ang Best Single Performance of An Actress noong 1997 para sa Calvento Files at para sa "Aswang" episode ng Maalaala Mo Kaya noong 2012.

Sa pelikula naman, nakuha niya ang Best Supporting Actress of the Year para sa pelikulang The Trial noong nakaraang taon (2015).


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN