Alden Richards on recording milestone: "Ano ba naman yun, non-singer, naka-Diamond Record?"

IMAGE Noel Orsal



Dagsa pa rin ang tao sa ginanap na album launching ni Alden Richards sa Market Market, Taguig City noong Linggo ng gabi, October 9.

Ikalawang album na ni Alden under GMA Records ang Say It Again. Masaya ang Pambansang Bae na may ikalawang album na siya.

“Happy po at saka, hindi ko rin po ine-expect yung Diamond Record Award kanina,” ang tinutukoy ni Alden ay ang ipinagkaloob sa kanyang Diamond Record Award para sa first album niya na Wish I May.

Isang taon pa lang simula nang i-release niya ang unang album under GMA Records at nakakuha na ito agad ng Diamond.

Sabi nga ni Alden, “Ano ba naman yun, non-singer, naka-Diamond Record?”

Wala naman daw nararamdamang pressure si Alden sa ikalawang album niya, ang Say It Again na katulad ng una, kailangang mapantayan din nito ang sariling record.

“Wala naman po, pa-thank you na lang po ito. At saka, kung anuman po ang marating ng album na ‘to, okay na ko.”

Pitong kanta ang nakapaloob sa ikalawang album ni Alden. Apat na original songs at tatlong Christian songs.

Kahit sa unang album ni Alden, meron ng Christian songs at ngayon nga ay tatlo na.

Ayon kay Alden, “Kailangan po, e. Kaya po siguro nag-Diamond ang Wish I May dahil dun sa praise song na meron ako.”

Sa kabila ng kasikatan na tinatamasa ni Alden, hindi pa rin nawawala sa kanya ang kababaang-loob.

Hiningan namin si Alden ng reaksiyon na sa pagpasok niya sa fantaseryeng Encantadia bilang si Lakan, isang Mulawin, mas lalo pa raw tumaas ang TV ratings nito.

“Hindi po, hindi po totoo ‘yan,” ang mabilis niyang sagot.

“Maganda po kasi talaga ang istorya. At naging fan naman po talaga ko ng Encantadia noong bata pa lang ako. Kaya mas naa-appreciate po siya ngayon.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN