Kiana Valenciano signs up with Viva Artists Agency

IMAGE Glenn Regondola

Kiana Valenciano on joining Viva Artists Agency's roster of talents: "I don't know how it goes. This is the first time I'm gonna do something like this, so we'll see how it goes na lang, and then, you know. So I think, this is all a part of growing up. And it's about time na I grow up."


Si Kiana Valenciano ay bahagi na ng roster of talents ng Viva Artists Agency (VAA).

Pumirma ng two-year manager contract sa nasabing talent arm ng Viva Entertainment Inc. ang unica hija at bunsong anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan kahapon, October 14, na ginanap sa Board Room ng Viva office, sa Tektite Building, Ortigas, Pasig City.

Sinamahan siya ng kanyang inang si Angeli na co-manager pa rin ng Viva sa kanyang magiging future career.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press, hiningian namin si Kiana ng kanyang saloobin tungkol sa desisyon niyang pumasok na rin sa mundo na kinagagalawan ng kanyang mga magulang.

Pahayag niya, "I don't know how it goes.

"This is the first time I'm gonna do something like this, so we'll see how it goes na lang, and then, you know.

"Yun nga, di ba nag-release ako ng album? And then, na-realize ko na ang music, nai-enjoy ko naman talaga.

"So I think, this is all a part of growing up.

"And it's about time na I grow up."

STEPPING OUT OF HER PARENTS' SHADOWS. Bilang anak ni Mr. Pure Energy, hindi maiaalis na mataas ang expectations sa kanya ng mga tao.

Gaano ba siya kahanda sa sitwasyong ito?

Paliwanag niya, "Ah, when I was a kid, mas nakikita kong big challenge, or burden yung magiging isang anak ni Gary V.

"Kasi, people expect you to surpass his career.

“But I think I've learned that you might as well take advantage of the fact that there are good things that come with being his daughter.

"Might as well go with it 'cause this is how life is.

"It's easier and hard.

"Easier 'cause may connections. Hard, kasi there's a bar that has been set, di ba?"

NO PRESSURE. Ang ikinatutuwa raw niya ay yung walang gaanong pressure na ibinibigay sa kanya ang kanyang mga showbiz parents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa 24-year-old newbie, "I'm not my father.

"I'm happy that my parents don't expect me to be like him.

"We're different."

ADVICE FROM BROTHERS. Ano naman ang reaksiyon ng kanyang mga kapatid na lalaki na sina Gab at Paolo na pareho ring nasa showbiz industry?

Saad niya, "I think... kasi my brothers and I aren't the type to message each other and be like, 'Oh, how are you, what's going on now?'

"It's like biglang magti-text yung kuya ko na, 'Oh my God, guess what?'

"Or ako ang magti-text, 'Oh, what do you think about this?'

"We're just used to opening up without being asked.

"It's more of a kuwento-based relationship."

Sabi pa niya, "When it comes to my songs, before they're done, parang may...'What do you think this line or that line, or whatever?'

"Ah, si Kuya Paolo, siya yung mas maraming nasasabi, I guess because he has that kind of director's mind, di ba?

"With him, it's like, 'You should remix this because in terms of your age group, of your market, this is what they like to hear, and it's better with your voice.'

"It's the kind of conversation that we have."

Si Kuya Gab naman niya, anong sabi?

Ani Kiana, "He has a lot to say, kasi he's a music producer.

"So when he hears the final mix, sila ng dad ko ang nag-uusap na parang, 'You can tweak this, you can fix this part, whatever.'

"Both my brothers,they know my voice. They know what I can or can't do.

"So ang nangyayari, I let them hear a song; not my song.

“Just a peg. Then I ask them kung kaya ko.

"Sila yung nagsasabi na, 'Do it, do it, you make it your own.'

"'Or, 'No, maybe, you should it to another direction.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VJ STINT. Samantala, ang isa sa exciting projects na gagawin ni Kiana ay ang kanyang MTV stint.

Aniya, "I'm so excited with MTV.

"Yeah, because my idol before was Ate Donita [Rose], nung MTV VJ siya.

"As a kid, ginagaya ko siya—the way she would talk, the way she does her hair.

"So now, I guess may pagka-goal achieved na magiging VJ ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN