Vina admits she missed ex-boyfriend; tells him "Robin, kung dito ka lang sa tabi ko, may kiss ka sa akin."

IMAGE Allan Sancon



Pinatunayan ng mga Padilla ang kanilang pagiging gentleman sa October 14 concert ni Vina Morales sa KIA Theater.

Titled Vina @ 30, tampok sa concert na ito sina Daniel Padilla, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano.

Nang lumabas si Vina mula sa stage, naka-alalay sa kanya si Daniel Padilla at sinabi ng ABS-CBN actress sa audience, "Napaka gentleman talaga ng mga Padilla, ‘no?"

“Kung alam niyo po, si Daniel…"

Ngunit natigilan si Vina dahil inaayos niya ang kanyang silver dress onstage, “Naku, nahuhubaran yata ako dito.”

Nagulat si Daniel at napabulalas ito, “Huwag.”

Tumingin si Vina backstage at sinabi niya, “Natanggal ang pang-ipit.”

Daniel exclaimed, “Oh no!”






Humingi ng paumanhin si Vina, “Excuse me, sandali lang.” Inalalayan ni Daniel si Vina nang magpunta siya backstage para ayusin ang kanyang gown.

Sabi ng ex-girlfriend of Robin Padilla, “Ayaw ng uncle mo na makitaan ako dito.”

Tapos ay gumawa siya ng request: “Pwede kumanta na lang si Daniel Padilla?”

While backstage, kinanta ni Vina ang lyrics na “O giliw ko…” upang ipapagtuloy nila ni Daniel ang kanta nila na "Miss na Miss Kita."

Nang lumabas uli si Vina na maayos na ang kanyang gown, sinabi niya kay Daniel: “Bawal daw [makitaan]. Baka magagalit ang iyong uncle.”


(Read: Vina Morales experiences wardrobe malfunction; Daniel Padilla assists her during concert)


Sinabi ng ABS-CBN singer-actress sa mga concertgoers, “Sa mga hindi po nakaka-alam, inaanak ko po si Daniel Padilla. Kaya lahat ng guests ko dito, may puwang sa puso ko.”

Habang nagku kwentuhan sa stage sina Daniel at Vina, biglang nagkagulo sa KIA Theater. May parang lasing na lalaki na nanggugulo at naghahamon ng away sa mga security guard.






Dahil dito, sinabihan ni Vina si Daniel na ayusin ang kaguluhan.

Ngunit sagot ni Daniel, “Masyado silang malalaki at parang lasing pa sila."

Tinukso ni Vina si Daniel Padilla, “Si Kathryn [Bernardo] lang yata ang gusto mong ipaglaban.”






Sagot naman ni Daniel, "Sa palagay ko, ibang Padilla ang kailangan dito. Tingin ko ang kailangan yung uncle kong hoodlum!"

Matatandaan na nagkaroon ng pelikula sina Robin at Vina titled Ang Utol Kong Hoodlum (1991).

Biglang lumabas si Robin at nagpapaputok ng props na baril upang takutin ang mga nagwawala.






Hinamon ni Robin ang mga ito at sinabi, "Ako ba ang hinahanap niyo?

"If you’re looking for trouble, you found the right place!"

Sinigawan niya uli, "Uwi! Bawal ang mga adik dito!"






Gimik lang pala ni Robin Padilla yun, para kunwaring ipagtatanggol si Vina sa masasamang loob.

Kinikilig naman si Vina sa eksenang yun na handa pa rin siyang ipagtanggol ng kanyang ex-boyfriend sa masasamang loob.

Sinabi ni Vina kay Robin, “Bin, namiss kita.”

Si Robin naman ay nagpadala ng flying kiss sa kanya.

Pangako ni Robin, "Sabi ko sa iyo, pag kailangan mo ang tulong ko, darating ako."

Ani Vina, "Talaga? Darating ka? E, bakit ang layo-layo mo diyan?

"Alam mo Robin, kung dito ka lang sa tabi ko, may kiss ka sa akin."






Tinanong naman ni Vina ang mga manonood, "Di ba, hindi pa kami nag kissing scene sa movie? Meron ba?"

Kinanta ni Robin ang “Pers Lab” para kay Vina.






Matatandaang na naging reel- and real-life love team sila noong 1990s ngunit naghiwalay rin ang dalawa.

Parte ng 30 years ni Vina si Robin Padilla dahil isa raw si Robin sa mga paborito niyang leading man.





Bago tuluyang nagpaalam si Robin kay Vina ay hinalikan nito ang kanyang kamay.






Kabilang rin sa concert ang kapatid ni Vina na si Shaina Magdayao at ang anak niyang si Ceana.

Kapag nag-a-abroad si Vina para sa kanyang shows ay kay Shaina niya iniiwan si Ceana.






Inawit nilang tatlo ang "Someone’s Waiting For You."

Sabi ni Shaina, sana daw ay pinasayaw na lang siya ng Ate Vina niya kaysa sa pakantahin. Pero dahil request ng ate niya na kumanta silang tatlo ay pinagbigyan ito ni Shaina.











ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN