Kristoffer Martin handpicked to record Alyas Robin Hood theme song

IMAGE From Instagram account of Kristoffer Martin

Kristoffer Martin recounts his joy when he first found out that he was personally handpicked to record the theme song for GMA-7's Alyas Robin Hood: "Naintindihan ko kung bakit ako ang pinili kasi rap kasi siya. Nang pinakinggan ko yung demo, catchy at ramdam mo yung pang-superhero ang kanta. Masaya ako kasi first time ko kumanta ng theme song, e."



Mukhang binabalikan muli ng GMA-7 leading man na si Kristoffer Martin ang kanyang pagiging singer.

Bago maging artista ay naging contestant si Kristoffer sa reality-variety singing contest ng ABS-CBN na Little Big Superstar noong 2007. Gamit ng aktor ang tunay niyang pangalan na Kristofer Martin Dangculos.

Tinawag pa siyang “Prince Charming” sa naturang singing contest.

Kahit na isa sa maagang na-eliminate sa Top 10, pinagpatuloy ni Kristoffer ang kanyang pag-aartista sa paggawa ng ilang teleserye sa ABS-CBN hanggang sa lumipat siya sa bakuran ng GMA-7 kunsaan na-build up siya bilang leading man.


FIRST THEME SONG. Ikinakatuwa ng aktor na bumabalik siya sa una niyang hilig, ang pag-awit at sinimulan niya ito sa pag-awit ng Sa Piling Mo, ang theme song ng top-rating GMA primetime teleserye na Alyas Robin Hood.

Hindi raw inaasahan ni Kristoffer na pagkakatiwalaan siya sa pag-awit ng naturang theme song.

Kuwento niya, “Nagulat din ako, e. Galing pa kasi ako sa bakasyon no’n.

“Nasa airport ako ng Hong Kong. Sabi sa akin ng Artist Center, ‘Pagbalik mo, magre-record ka kaagad ng OST ng Alyas Robin Hood.’

“Napa-‘Ha?’ ako. Tinanong ko kung sino pa ang pinagpilian nila?

“Sagot sa nila akin, ‘Wala, ikaw talaga,’” masayang kuwento pa ng 21-year-old actor.

Mahusay kasing mag-rap si Kristoffer kaya siya ang napiling umawit ng naturang theme song.

“Naintindihan ko kung bakit ako ang pinili kasi rap kasi siya.

“Nang pinakinggan ko yung demo, catchy at ramdam mo yung pang-superhero ang kanta.

“Masaya ako kasi first time ko kumanta ng theme song, e.

THRILLED BY POSITIVE COMMENTS. Inamin pa ng aktor na noong ni-record niya ang theme song ay may sakit siya.

Pero na-record niya nang maayos ang theme song at noong ni-release ito, magagandang feedback ang natanggap niya mula sa social media, kabilang na ang bida ng Alyas Robin Hood na si Dingdong Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung ni-record ko siya, may sakit ako, pero maganda naman daw ang kinalabasan.

“Andami pang nagtu-tweet sa akin na ang ganda ng theme song ng Alyas Robin Hood,” masayang kuwento pa niya.

DUET WITH HANNAH. Kamakailan ay muling bumalik sa recording studio si Kristoffer upang i-record ang theme song ng pinagbibidahan niyang teleserye na Hahamakin Ang Lahat kunsaan katambal niya ang kanyang ex-girlfriend na si Joyce Ching.

Ka-duet ng aktor ang Kapuso singer na si Hannah Precillas.

Si Hannah ay isa sa mga winners ng reality talent contest ng GMA-7 na Bet Ng Bayan. Siya ang umawit ng theme song para sa mga teleseryeng MariMar at Once Upon A Kiss.

Pinost ni Kristoffer sa kanyang Instagram account ang naging recording nila ni Hannah.

“Konting patikim ng theme song ng “Hahamakin Ang Lahat.” Nahiya boses ko kay @hanprecillas. thank you Lord!” caption pa niya.


Konting patikim ng themesong ng "Hahamakin ang Lahat". Nahiya boses ko kay @hanprecillas. ??? thank you Lord!

A video posted by Kristoffer Martin Dangculos (@itsmekristoffer) on







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN