Kitchie Nadal believes OPM is alive and well amid emerging media platforms

Contrary to what naysayers claim, former Mojofly lead singer Kitchie Nadal believes that OPM is alive and well: "Some people say that OPM is dead, but I would agree more on those people who say that it's not 'cause there are so many indie bands, so many bars and so many musicians."



Hindi naniniwala ang multi-platinum recording artist na si Kitchie Nadal na patay na ang Original Pilipino Music or OPM.

Naniniwala ang singer na buhay na buhay pa rin ang OPM dahil sa mga emerging singers and bands na gumagawa ng kanilang sariling mga musika sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan.

Ayon kay Kitchie, “Some people say that OPM is dead, but I would agree more on those people who say that it’s not ‘cause there are so many indie bands, so many bars and so many musicians.”

Ginawa pang example ng singer ang programang Eat Bulaga dahil sa pagdiskubre ng show sa mga bagong sibol na musicians.

“Even in Eat Bulaga, they feature musicians on Music Hero.

“Ang daming mga bata, even on YouTube, and they make their own songs.

“I’m happy that there are so many young ones and that they’re given the opportunity to showcase their talent, their songs,” diin pa niya.


CHANGING TIMES. Malaki na raw kasi ang pinagbago ng panahon ngayon, lalo na sa mga singers ngayon. Mas mabilis na raw nakakarating sa maraming tao ang music dahil sa social media.

Kaya imposibleng sabihing patay na ang OPM dahil maraming mga bagong songs ngayon na gawa ng mga bagong singers.

“It’s different now.

“I also like this season for me ‘cause I get to travel abroad ‘cause there are so many Filipinos abroad and they’re hungry for OPM,” diin pa niya.

Kaya nagpapasalamat si Kitchie na may online concert platform na Playlist dahil nakaka-reach out siya sa maraming OPM lovers sa iba’t ibang parte ng mundo.

“I’m happy that we have this opportunity to share new songs.

“The Playlist is really great because sobrang daming Pinoy all over the world na nanonood talaga sila online,” ngiti pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Kitchie ay ang dating lead vocalist ng bandang Mojofly. Noong magkaroon siya ng solo career, naging phenomenal hit ang single niyang “Huwag Na Huwag Mong Sasabihin” na ni-release noong 2004.

Naging hit din ang ibang singles niya na “Run,” “Bulong,” “Fire” at “Same Ground.”


Ang kanyang 2004 self-titled album na Kitchie Nadal ay umabot na sa Diamond Record status.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN