Jett Pangan joins GMA teleserye; reveals how The Dawn will celebrate 30th anniversary

IMAGE Mark Atienza

Despite his band's hectic schedule because of their 30th anniversary, Jett Pangan, more popularly known as The Dawn's lead singer/frontman, reprises his acting career in the new GMA teleserye Hahamakin Ang Lahat: "Busy kami touring, but of course, there's always time to do this because this is something I love."



Nag-celebrate ng kanilang 30th year ang rock band na The Dawn.

Kahit na marami nang ibang mga Pinoy rock bands na sumunod sa kanilang mga yapak, kinikilala pa rin sila bilang isa sa mga sikat at magaling na grupo, at itinuturing din silang haligi sa OPM rock scene.

Pinasikat ng naturang banda ang single na ??Enveloped Ideas?? noong 1986.

Ang iba pa nilang hit singles ay ??Salamat,?? ??Love Will Set Us Free,?? ??Iisang Bangka,?? ??Talaga Naman,?? ??I Stand With You,?? ??Beyond The Bend,?? at ??Abot Kamay.??

Na-disband ang The Dawn noong 1995.

ANNIVERSARY SHOWS. Pero dahil three decades na sila sa music industry, may mga naka-line up silang mga shows para sa kanilang loyal fans.

Masaya ang former lead vocalist ng The Dawn na si Jett Pangan na kahit 30 years na ang nakakaraan ay kilala pa rin ng marami ang kanilang banda.

Tinawag nga ang The Dawn na ??longest-lived and most prolific band in the Philippines.??

Ayon pa kay Jett, ??The Dawn is celebrating 30 years this year.

??We actually had three major shows to celebrate that.

??We have one coming on November 5 sa Music Museum??a repeat of our successful concert called Trenta.

??We might also write new songs for maybe a single or an album.

??Celebration mode kami ngayon.

??Wow, 30 years! Tagal na, di ba???

NEW SONGS. Iniisip daw nilang mabuti kung ano ang magandang concept ng kanilang ilalabas na album for their 30th year.

Ayon kay Jett, ??We've practically written everything.

??Fourteen albums na kami and we've written a lot of songs about friendship and all that.

??Hindi namin alam kung saan pupunta yung song.

??Basta kung single lang, we want something na lahat makaka-relate.

??Everyone can sing it. Everyone can love it.

??By that, I mean kahit executive ka sa bangko o yosi vendor ka, gusto ko, gusto namin, kinakanta mo yung kanta because you like it because it speaks to you,?? ngiti pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ACTING CAREER. Bukod sa pagiging busy sa 30th year celebration, susubukan muling umarte ni Jett.

Kasama siya sa cast ng GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat kunsaan bida sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Ang pilot episode nito ay mapapanood simula October 31, 2016.

Ilang beses nang nasubukan ni Jett ang umarte para sa TV at pelikula.

Ang una niyang movie appearance ay noong 1991 sa pelikulang Noel Juico: Batang Kriminal.

Nagkaroon naman siya ng guest appearances sa mga pelikulang Paano Kiya Iibigin?, Halik Sa Hangin at The Break-Up List.

Nagbida naman si Jett sa 2006 indie film na Tulad ng Dati.

??Busy kami ngayon.

??Busy kami touring, but of course, there's always time to do this because this is something I love,?? pagtatapos ni Jett.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN