Sarah Geronimo: "I realized na you don't work for other people to please them."

IMAGE From Instagram account of Bang Pineda

Sarah Geronimo gearing up for The Great Unknown Unplugged concert at the Kia Theater on November 29.



Nagbabalik si Sarah Geronimo pagkatapos ng dalawang buwang bakasyon na first time niyang ginawa sa mahigit isang dekadang career sa pamamagitan ng isang concert.

Ayon sa Popstar Royalty, "Yes, 100% back na.

"'Yung mindset ko is talagang energized, mas motivated to work even harder.

"Kasi dumarating din sa stage ng buhay natin na ano ba yung purpose ko, bakit ko ba ito ginagawa, ano ba yung kulang? And then I realized na you don’t work for other people to please them. Yung main goal mo dapat is to share whatever you have. Kung ano yung ibinigay sa ‘yo ng Panginoon, regardless kung magbunga siya ng konti or sangkatutak.

"Ang pinaka-importante is to glorify and honor Him sa kung ano ang ginagawa mo sa buhay mo,” ang naging pahayag ni Sarah sa isang interview.

Dalawang buwan din ang naging pagbabakasyon ni Sarah.  Yun ang naging daan para magawa niya ang mga bagay na hindi niya priority dati.

Sa ngayon, focus muna raw si Sarah sa pagkanta. Pero meron na rin namang inaayos ang VIVA Films ng posibleng maging hudyat ng pagbabalik naman niya sa paggawa ng pelikula.

Choice na rin ni Sarah na mas bigyan ng priority ngayon ang pagkanta niya.

Ayon kay Sarah, "I’d like to focus more sa music ko at i-promote yung mga nakaraang album ko. Hindi ko kasi talaga na-promote nang maayos.

"We are planning na talagang mailabas yung magagandang tracks dito sa latest album ko. Pitching pa lang ng new movie. Concert planning stage pa lang din po, TV shows, wala pa po,” lahad ni Sarah na kapapanalo lang Female Concert Performer of the Year sa isinagawang Star Award for M-TV para sa kanyang all-original song concert na From The Top na ginanap sa Araneta Coliseum noong 2015.

Habang pinaghahandaan ang major concert at music ang kanyang gustong unahin, magkakaroon muna si Sarah ng special show para sa album niyang The Great Unknown na katatapos lang mag-platinum. Titled Sarah Geronimo The Great Unknown Unplugged, gaganapin ito sa Kia Theater, sa November 29, Tuesday, 8:00 p.m.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN