Aiza Seguerra’s international album tops Singapore Jazz chart


Aiza Seguerra's international album Open Arms contains all-English revival hit songs. Produced by S2S Productions, this album is now available in the Philippines courtesy of Star Records.



Hindi lang ang Pilipinas ang nabighani ng boses ni AizaSeguerra kundi maging ang Asian country na Singapore.

Nag-number one sa Singapore Jazz chart sa loob ng tatlonglinggo ang bagong album ng singer titled Open Arms.

Mas naunang narinig ng mga music lovers ng Singapore angpinakabagong album mula kay Aiza at ikinatuwa ng singer na naibigan ito ngSingaporeans. Malaking bagay ito kay Aiza dahil ito ang kanyang kauna-unahanginternational album.

Hindi raw inasahan ni Aiza na magiging positive ang responseng mga listeners sa kanyang unang international album. Nagpapasalamat din siyasa oportunidad na dumating sa kanya para makapag-record ng ganitong uri ngalbum.

Ang Open Arms ay prinodyus ng S2S Productions, isangrecording label sa Singapore. Inilabas na rin ang album sa iba pang Asiancountries tulad ng Taiwan, Malaysia, Hong Kong, Vietnam, Indonesia, Japan atThailand.

Ayon sa mgadistributors ng album ni Aiza mula sa mga nabanggit na lugar, positibo angfeedback ng mga music lovers sa album ng singer. In fact, nag-request na angmga ito ng repeated orders ng Open Arms.

Ang latest album ni Aiza ay naglalaman ng all-Englishrevival hit songs mula sa nagdaang dekada tulad ng "Open Arms,""Vincent," "Somewhere Down The Road," "Time AfterTime," "Smooth Operator," "Home," "Journey,"at "Longer."

Available na Open Arms sa mga record barsnationwide exclusively distributed by Star Records.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN