Matteo Guidicelli will dedicate song for girlfriend Sarah: 'Siyempre may kanta riyan na para sa kanya.'

IMAGE Noel Orsal

Matteo Guidicelli will hold his 10th anniversary concert at the WaterFront Cebu City Hotel & Casino on November 18, 2016.



Humarap si Matteo Guidicelli sa blogger’s conference noong November 10 para sa upcoming concert niya titled Matteo Made in Cebu.

Isang taon matapos ang kanyang last concert, muling tutuntong sa entablado si Matteo Guidicelli para magbigay-pugay sa kanyang hometown.

Itatanghal ang concert sa WaterFront Cebu City Hotel & Casino sa November 18. Selebrasyon din ito ng ikasampung anniversary ng singer-actor sa showbiz.

Thankful ang binata sa pagse-celebrate niya ng tenth year niya sa showbiz. Hindi raw niya na-imagine na mangyayari ang milestone na ito ten years ago.

How does it feel celebrating ten years in the business?

"It is surreal. I can’t believe it that ten years had already passed. I know ten years is still a short time but I think it that short time I have learned a lot in this industry. And I have learned a lot about myself.  It is very surreal. I am very thankful to ABS-CBN, for Star Magic, for supporting my dreams and my passion,” sagot ni Matteo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa kanyang pagbabalik-concert stage, gustong bigyan ng tribute ng binata ang lugar kung saan siya isinilang. Sabi pa niya, dapat ay maging proud tayong lahat, lalo na ang mga millennials, kung saan tayo nagmula.

Nakausap na niya ang kanyang director na si Rowell Santiago at ang kanyang musical director na si Louie Ocampo tungkol sa repertoire ng kanyang concert.

“When Direk Rowell and Sir Louie met with me to discuss the repertoire, they said ang tanda raw ng mga songs na pinili ko. Puro lumang kanta. So we had to make a lot of changes but we have a portion there of the songs that I grew up with, they are old songs,” kwento niya.

Is there a song in the repertoire na ide-dedicate niya sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo?

“Basta all the songs in the show are part of my experiences in life. When we chose the songs because it represents something in my life, represents what I am going through.

“Kumbaga, the whole lineup of songs, from beginning to end describes a part of my life and the songs that really relate to me and what I went through and what I am going through kumbaga. Siyempre may kanta riyan na para sa kanya,” sagot niya.

Pag may tampuhan ba kayo ni Sarah, kinakantahan mo siya?

“Minsan sa telepono, nagkantahan kami,” nakangiting sagot ni Matteo.

Darating ba si Sarah para manood? "I don’t know if she is coming because she is in Japan. She is busy. Siguro if she is not busy. We’ll see."

Bagamat kabilang sa guests niya ang dance group na G-Force, hindi masagot ni Matteo kung sasayaw siya sa concert. Pero may plano naman daw.

What can concertgoers expect from Matteo Made in Cebu?

"This is the first time that I am working with these veterans [Sir Louie and Direk Rowell]. Everything is going to be fresh and new. I will be working with Martin Nievera, KZ, and G-Force. We are sitting down to discuss the repertoire and Sir Louie gave a new take in all the songs. It is going to be very interesting."

Bukod sa G-Force, ang iba pa niyang guest performers ay sina Martin Nievera, KZ Tandinganm  at isang local artist from Cebu named Kurt Fick na umawit ng hit song na “Hahaha Hasula.”

“It is a big hit on Cebu radio. It’s a Visayan song which will be given a new arrangement by Sir Louie [Ocampo]."

The concert is for the benefit of Kythe Foundation, isang non-stock, non-profit organization na tumutulong sa mga batang may sakit na cancer.

Ayon kay Matteo, pinili niya itong maging beneficiary dahil dalawang miyembro ng kanyang pamilya ang namatay due to cancer: ang isa niyang tiyo some years ago at ang kanyang lolo who died last year.

Masayang ibinalita ni Matteo na sold out na ang VIP tickets at ang General Admission tickets para sa concert na tatagal ng one and a half hours.

Kung magiging successful ang concert, ang wish ni Matteo ay dalhin ito sa Manila by next year, with the same title Matteo Made in Cebu.
 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN