Sitti shifts from Bossa nova to electronic dance music to mark 10th anniversary

IMAGE Noel Orsal

Sitti excited to celebrate her 10th anniversary in the music industry via the ElectroSITTI concert at the Music Museum.



Susubukan ng bossa nova singer na si Sitti Navarro ang bagong music genre na EDM o electronic dance music.

Ito ang naging rebelasyon ni Sitti sa kanyang intimate presscon nitong nakaraang Lunes, November 14.

Paano ba niya naisip na subukan ang EDM genre?

Sagot nito, "Ano lang siya, early this year. Sabi ko, ‘O, 10th year anniversary na ng Cafe Bossa [first album], sabi ko sa agent ko na, 'Let’s do a show. Let’s do a show at the Music Museum, tapos ilagay natin sa November kasi birthday ko.'

"Tapos since friend ko si [DJ] Silver Filter, he’s electronic music producer, sabi ko sa kanya, 'Let’s do something different. Let’s collaborate and do a show.

“So, it was supposed only to be a show.”

Incidentally, bigla siyang tinawagan ng kanyang record label.

“A week after, sabi ng MCA Music na gagawa kami ng album pero electronic.

"So, it turns out they were of the same direction din.

“So sabi ko, game. Let’s record all the songs now and hopefully I have them finished on time for the concert, para maging launch na rin siya.

“Unfortunately, hindi umabot sa timelines namin, so it’s gonna be a single’s launch and really a celebration of Cafe Bossa’s 10th anniversary.

“But we’re gonna release ElectroSitti next year, sure na sure na yun.”

Kakantahin ni Sitti sa concert ang kanyang unang EDM song na "Bid You Love."

Ang pamagat ng concert niya ay ElectroSITTI din at ito ay gaganapin sa Music Museum sa darating na November 25 and 26. For tickets, log on to www.ticketworld.com or call 926-0556.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN