Zanjoe Marudo narrates Coverboys experience in the U.S.


Zanjoe Marudo was able to visit his father and his three siblings while he was performing a series of concerts with the Coverboys in the United States. He was joined by fellow performers Jake Cuenca, Victor Basa,Rafael Rosell, and Jon Avila.



Sobrang nag-enjoy si Zanjoe Marudo sa kanilang ginawangseries of shows sa America at ayon sa kanya, siya ang sobrang excited kaysa mgakasamahan nitong Coverboys na kinabibilangan nina Jake Cuenca, Victor Basa,Rafael Rosell at Jon Avila.

Aniya, "Masayang-masaya 'yong mga taong nakapanood saaming shows. Nagulat sila sa shownamin. Talagang hindi nila ini-expectna puro production numbers ang aming gagawin simula sa umpisa hanggang sa matapos."

Ang kanilang matagumpay na show noon sa Music Museum, ang Coverboys...Uncovered,ay kanilang pinerform para sa mga kababayan natin sa United States. Muli nilangginawa ang mga production numbers na most applauded kaya naman, umani din itong palakpakan at tilian mula sa audience.

"Medyo nagulat sila dahil hindi ito tulad ng mgatypical shows sa ibang bansa na lalabas, kakanta tapos, i-exit angperformer. Kung ano 'yung ginawa naminsa Music Museum, halos ganun."

Malalaking venue ang nakuhang pagtatanghalan ng Coverboys atnaging honest si Zanjoe sa pag-amin na hindi masyadong napuno ang venue peromaraming nanood ng kanilang show.

Una silang nagtanghal sa Ciabo College sa San Francisco, saBig Quick Theater, Chicago at sa Grand Theater ng Los Angeles.

Isa sa ikinatuwa nito ay ang pagpunta nito sa iba't ibangestado sa East Coast at West Coast sa unang pagkakataon. Nagkaroon siya ngpagkakataong nagkita-kita sila ng kanyang amang limang taon na nagtatrabo saU.S.A. at tatlong mga kapatid na nag-aaral doon.

"Last June of 2007 kami huling nagkita-kita dahilnagbakasyon sila dito sa atin at hindi naman nagulat ang daddy ko sa klase ngaming show dahil palagi naman silang naka-monitor sa pinaggagawa namindito. Saka halos araw-araw naman,palagi siyang tumatawag sa bahay."

Bakit sa kanilang magkakapatid, hindi napasama si Zanjoe sapetition ng daddy niya?

"Dapat nga, e. Kinuha din ako ng daddy ko kaya lang, over age ako nung time naipinitisyon ang tatlo kong kapatid. Puwede naman ako ipitisyon pero matagal anggagawing paghihintay saka nakakapunta naman ako doon, kaya walangproblema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa rin sa aktor, kahit wala siyang trabaho sa Pilipinasay mas gusto niyang mamalagi dito sa atin kaysa nasa U.S.A.

"Iba kasi 'yong feeling na nandun ka, kasi nakaratingna ako doon, e. Saka, alam ko angpakiramdam ng tatay ko, mga kapatid ko, gusto nila laging umuwi. Sila mismo, nalulungkot na doon. Parang ako,kahit siguro marami akong kinikita doon, iba rin siguro 'yong kahit nandito ka,na hindi ka masyadong kumikita. Iba'yong feeling na nandito ka sa Pilipinas.

"Kasi makikita mo ang mga Pinoy doon, iba talaga anglungkot kapag nakakakita sila ng mga Pinoy na dumarating, parang ang saya-sayanila na mayroon silang kababayan na nakikita. Masarap lang magbakasyon. Masarap lang 'yong punta ka lang, pasyal-pasyal tapos balik ka na. Pero, kung titira ka doon, parang mahirap."

Matatandaang isang professional camera ang regalo sa kanyani Mariel Rodriguez noong kanyang kaarawan, ano naman ang kanyang dalangpasalubong sa kanyang girlfriend?

"Mayroon naman pero naman masyado marami at di rinmamahalin. Sobrang busy kasi ako sapagsa-sight-seeing kaya pati ako ay walang nabili sa aking sarili.

"Lahat naman may pasalubong sa akin. Pang-maramihan kasi ang binili ko. Mga cosmetics, damit at kung ano-ano. Siyempre, medyo naiiba ang kay Mariel. Secret na lang," sabi ni Zanjoe sabay tawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN