To The Top finalist Gio de Vera to stage solo concert

IMAGE Noel Orsal

Kahit hindi nakapasok sa top 5 ng To The Top ng GMA noon, hindi natigil ang pangarap ni Gio de Vera na maibahagi ang kanyang talento sa pag-awit. Kaya naman nagpursige ang baguhang singer upang makaukit nang sariling pangalan sa music industry hindi lang bilang mang-aawit kundi sa pagiging songwriter na rin.



Mula sa pagiging finalist ng To The Top boy band search ng GMA, malayu-layo na rin ang narating ng baguhang singer na si Martin Emmanuel de Vera o mas kilala ngayon sa screen name na Gio de Vera.

Bukod sa pagiging singer, nakahiligan din ni Gio ang pagsulat ng mga kanta katulad ng kanyang idolong si Ogie Alcasid.

Katunayan, ang kanyang first single na napapakinggan na ngayon sa mga radio stations na "Kailan Kaya" ay naging background music sa mga love teams sa loob ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 katulad ng McLisse tandem nina Mccoy de Leon at Elisse Joson noong nasa PBB house pa ang dalawa.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last November 17, “Yung sa To The Top, masasabi ko talagang diyan nag-start ang lahat ng dream ko bilang musician.

"Naging top 10 finalist po ako ng show, may nabuo po silang five, pero hindi na po ako nakasama doon."

Read: Meet contestants of GMA-7's boy band competition, To The Top

Ayon pa kay Gio, kahit hindi siya nakapasok sa top 5 ng To The Top, hindi natigil ang kanyang pangarap na maibahagi ang kanyang talento sa pagkanta sa publiko.
Saad niya, “Siguro po may ibang plan si God for me, to pursue a solo career.
"After po nung To The Top, nag-audition po ako Sir Jonathan Ong, kasi sila rin po yung music producer namin sa show before.

"Sila po yung nagpo-produce ng mga songs namin as boyband, tapos bumalik ako sa kanya to audition for my single.”

Matapos ang lagpas isang taon, nakagawa na si Gio ng ilang kanta, kabilang na ang "Kailan Kaya."

Dahil dito, nakatakda siyang magkakaroon ng solo concert na Gio @ 1 sa Hard Rock Cafe sa darating na November 30.

Umaasa siya na makaukit siya ng sariling pangalan sa mundo ng musika hindi lamang sa pag-awit kundi maging sa paglikha ng mga kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, bukod sa paggawa ng kanta ay pagtutuunan daw niya ng pansin ang pagda-diet at ehersisyo upang maibalik ang kanyang katawan katulad noong To The Top days niya.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN