Ogie Alcasid to stage a back-to-back concert with "American Idol" finalist Ramiele Malubay

by Nitz Miralles
Aug 31, 2008
Although Ogie Alcasid has yet to stage his anniversary concert twenty/Twenty, he has already a follow-up major concert to be held on December, this time with American Idol finalist Ramiele Malubay.

Noong August 27 ang actual 41st birthday ng singer-comedian na si Ogie Alcasid, pero ngayong araw, August 31, lang siya nakapag-celebrate. Noon kasing mismong araw ng kanyang kaarawan ay nag-guest si Ogie sa birthday blowout nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Araneta Coliseum.

Nasa rehearsal ng Let's Celebrate: The Dingdong-Marian Birthday Blowout! ang PEP nang batiin nina Direk Louie Ignacio, Marian, at Dingdong si Ogie ng happy birthday over the phone. Katabi rin namin ni Perry Lansigan, manager ni Dingdong, nang batiin nito ang singer-composer ng happy birthday.

Through Perry, inalam ng PEP kay Ogie kung ano ang birthday gift sa kanya ng kasintahan niyang si Regine Velasquez. Pero maliban sa sinabing "mahal," wala na itong ibang sinabi. Kinulit namin ang singer-comedian hangga't hindi nalalaman kung ano ang regalo ni Regine sa kanyang "honey." Finally, may nakapagsabing Nikon camera ang ibinigay ni Regine sa nobyo, pero bawal nang alamin kung magkano.

Continue reading below ↓

Nagpo-promote pa lang si Ogie ng kanyang Twenty/Twenty concert sa September 27 sa Araneta Coliseum, pero pinaghahandaan na rin ang susunod niyang major concert na gagawin sa Aliw Theater sa December 20 and 21.

Billed as Ogie Sings with the Idols, makakasama niya rito si Ramiele Malubay, ang Fil-Am na pumasok sa Top 12 ng Season 7 ng American Idol. Ang unang balita sa PEP ay back-to-back concert ito nina Ogie at Ramiele at kaya plural yung Idols sa title ay dahil kasama rin si Danny Noriega, na nakasama ni Ramiele sa Top 24 ng American Idol at BFF o Best Friend Forever ng Fil-Am singer.

Guests din ang first Pinoy Idol winner na si Gretchen Espina at si Robby Navarro, isa sa bets ni Ogie na pumasok sa Top 12, pero agad natanggal.

Ipagpu-produce ni Ogie ng album si Robby together with Kid Camaya and Penelope. Hindi rin na siguro magugulat ang mga tao kung isama na rin ni Ogie sina Kid at Penelope sa Ogie Sings with the Idols. Advance promo na rin ng album ng tatlo na sabi ay inaayos na and, hopefully, ma-release this year dahil hinihintay ng fans ng tatlo.

Continue reading below ↓

Ang hindi pa nakukukumpirma ng PEP ay kung totoong bukod sa two-night concert nila ni Ogie, kaya bibisita ng Pilipinas si Ramiele ay para pumirma ng recording contract. Aling record company kaya ang nag-offer ng recording deal sa dalaga?

Read Next
Read More Stories About
Ogie Alcasid, Regine Velasquez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Although Ogie Alcasid has yet to stage his anniversary concert twenty/Twenty, he has already a follow-up major concert to be held on December, this time with American Idol finalist Ramiele Malubay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results