Ogie Alcasid compares singers then and now

Ogie Alcasid will perform with Louie Ocampo and Rey Valera for their December 2 concert titled Kanta Ko, Panahon N'yo.



Sa unang pagkakataon, magkakasama sa isang malaking concert mula sa Viva Live Presents ang tatlong sa pinakasikat at mahuhusay na songwriters ng kanilang panahon.

Featured sina Ogie Alcasid, Louie Ocampo at Rey Valera sa Kanta Ko, Panahon N'yo na gaganapin sa Kia Theater sa Araneta Center sa Biyernes, December 2.

Sa presscon ng concert held recently, sinabi ni Ogie na natutuwa siya na makasama sina Louie and Rey, ang kanyang mga idolo.

"Lumaki ako na nakikinig at humahanga sa kanilang mga awitin. Isang honor and privilege na makasama sila sa isang concert tulad nito. It's a rare opportunity na mabigyan nang ganitong pagkakataon." sabi ng outgoing president ng OPM (Organisyon ng Pilipinong Mang-aawit).

“But the real star in our concert is not us but our songs. It is fun to look back and reminisce about the past, and the songs that defined the era,” aniya.

Ang asawa ni Ogie na si Regine Velasquez-Alcasid at si Martin Nievera ang magiging guests nila sa concert na ito.

Malayo na nga ang narating ni Ogie mula na siya ay mapabilang sa famed Kundirana group ng La Salle Greenhills noong siya ay nasa high school. Pero that time daw ay hindi pumasok sa isip niya magiging singer at songwriter siya.

Hindi niya na-imagine na pwede niyang maging career ang pagkanta.

"Akala ko after college, tutulong ako sa family business. Pero dahil sa music napunta ako sa ibang landas and as they say, the rest is history. Pero thankful ako dahil very supportive naman ang parents ko when I joined showbiz."

Paano niya ikukumpara ang mga singers ngayon sa mga singers na kasabayan niya when he started sa showbiz?

“The singers today are more competitive. The singers during the time I started are more passionate to better their craft,” sagot niya.

Kahit na naging successful rin siya bilang comedian sa telebisyon at pelikula, hindi kinalimutan ni Ogie ang musika tulad ng mga idolo niyang si Rey Valera at Louie Ocampo. Gumawa siya ng mga kanta, na karamihan ay siya rin ang nagpasikat at ginamit na mga theme songs sa teleserye at pelikula.

After six years as president of OPM, Ogie is no longer seeking reelection.

Gusto rin naman niyang mag-concentrate sa pagma-manage ng talent. Masaya naman siya sa naging accomplishments niya bilang OPM president.

"Financially, the OPM members are happy. Pero marami pa rin dapat gawin to improve our lot as singers. Like may pinarmahang Executive Order si dating President Noynoy Aquino urging the playing of at least four OPM songs per hour. Existing na ito pero hindi naman nasusunod.

“Kung nai-implement iyan nang maayos, mas madalas na maririnig sa radio ang OPM songs. Dominated ng kasi ng foreign songs ang airlanes.

“Tapos nag-file ng House Bill 4218 si Ifugao Representative Teddy Baguilat called the OPM Development Act of 2014 regarding radio airplay and equity pero hindi naman umusad ang bill. Pero hindi naman kami nawawalan ng pag-asa tungkol dito,” pahayag pa ni Ogie.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN