Radha, Frenchie Dy and Bituin Escalante admit being body shamed for being plus sized

IMAGE Ruel Mendoza

On December 3, (L-R) Radha, Bituin Escalante, and Frenchie Dy will hold their concert titled The Big, Big Show at The Theatre at Solaire.



Mayayanig ang Theatre at Solaire on December 3 sa malalaking boses ng mga tinatawag na Birit Queens na sina Radha, Frenchie Dy at Bituin Escalante dahil sa itatanghal nilang show titled The Big Big Show.

Produced ng Fullhouse Asia, ipapakita ng The Big Big Show ang husay sa pag-awit ng iba’t ibang songs nila Radha, Frenchie, at Bituin.

Ayon sa tatlo, hindi lang daw ang pagbirit ang kaya nilang gawin.

“This is the first time we are together in one show. Kaya mag-expect kayo ng malaking show talaga.

“Hindi lang dahil big ang bodies namin kundi pati ang mga musical numbers namin ay bigger than life,” pagtiyak ni Bituin.

Para kay Radha, isang gamble nga raw ito para sa kanilang producer na pagsamahin silang tatlo sa iisang show.

“This is a big gamble on the part of Fullhouse Asia kasi kaming tatlo ang headliners sa show na ito. Kadalasan, ang mga shows they wanted someone sexy or slim to do their shows.

“Pero ito, nilagay nila ang tiwala nila sa talento naming nila Frenchie and Bituin. And we pray that people will watch us kasi napakaganda ng mapapanood nila. That is a promise!”

Hindi maitatanggi ng tatlong biriteras na minsan ay naging biktima na sila ng tinatawag na “body shaming” o ang pagkutya ng kanilang kapwa sa hugis ng katawan nila.

Laganap ito sa social media at hindi lang mga ordinary netizens ang nagiging biktima kundi pati mga celebrities.

Nag-share ng kanilang kuwento ang tatlo tungkol sa naranasan nilang body shaming sa press launch ng kanilang show sa Theatre at Solaire na The Big Big Show.

Para sa Star In A Million Season 2 grand champion na si Frenchie Dy, hindi na raw siya nasasaktan kapag may nagsasabing mataba siya. Bata pa lang daw siya ay tanggap na niyang may kalakihan talaga ang katawan niya.

“Nasanay na kasi ako. Baby pa lang ako, malaki na talaga ako!” malakas na tawa pa niya.

“Kaya growing up, never kong na-experience ‘yung naging payat ako. Talagang ganito na ang figure ko.

“That’s why immune na ako sa mga bashers ng figure ko kasi proud naman ako sa katawan ko.

“Saka kapag may nagsabing hindi ko puwedeng gawin ang isang bagay dahil mataba ako, lalo akong natsa-challenge.

“Kasi noong mag-audition ako sa Star in a Million, may nagsabi sa akin na huwag na lang daw akong mag-try kasi mataba ako. Pero sinubukan ko pa rin. Tapos nanalo pa ako, ‘di ba?

“Kaya para sa mga sinasabihan na hindi nila dapat gawin ito dahil mataba ka, huwag kayong makinig. Follow your heart and do what you feel like doing.

Don’t let other people tell you what’s right and what’s good for you.”

Para naman sa R&B singer at theatre thespian na si Bituin, hindi niya pinapalagpas ang sinumang manlait ng kanyang pagkatao.

“I really call them out. Kapag may tumawag sa aking mataba, tatanungin ko ang taong iyon kung ano ang problema niya sa akin?

“It’s a given na mataba ako. Hindi naman ako nag-iilusyon na kakorte ko ng katawan si Anne Curtis, ‘di ba? This is me and I was born with this type of body.

“Oo alam kong mataba ako. I never tried to hide it. It’s all out there. So bakit kailangan mang-shame ka pa sa isang bagay na alam ko na?

“Sometimes, hindi mo dapat ibale-wala na lang ang mga taong ganyan. Make them realize na yung ginagawa nilang pagpintas sa isang tao ang mas shameful.

“Mas mali iyong ginagawa nila.

“Kaya ako, I tell them outright na hindi maganda ang ginagawa nila.
“Para sa akin, never akong nahiya sa katawan ko. I am proud of it and I feel beautiful with this body.

“I can do something about it. I can always try to lose weight but I will do it for health reasons. I have two kids and I want to see them grow up.

“But I’m contented with who I am and I don’t try to be somebody else.”

Para naman sa dating miyembro ng Kulay na si Radha, mas emotional ang kuwento niya kapag napag-uusapan ang katawan niya.

“Ako naman kasi galing ako sa pagiging payat noon.

“If you can remember, when I was with the group Kulay, I was very fit. May abs pa nga ako noon. Health conscious ako noong mga panahon na ‘yon.

“But then depression hit me. My marriage crumbled and I got annulled. Doon ko na siguro napabayaan ang katawan ko.

“Dumating ang time na ayoko nang kumanta. I worked as part of a production staff ng isang concert producer noon. I totally abandoned who I was then because I wanted a different life away from singing.

“Kaya when people saw me again after so many years, nagugulat sila kasi hindi ganito noon ang figure ko.

“So nakaka-add ng pressure iyon for me that eventually led me to be more depressed.

“But in the recent years, I’ve learned to accept who I am. Vulnerable as I am, I said to myself that I will make this body work to my advantage.

“That’s when I started to pick up the pieces and started singing again.

“My friends always tell me that I have this natural talent, why should I deprive them of that?

“Kahit na ganito na ang figure ko, so what? People will love me for the music that I sing and for who I really am.”

Tickets for The Big Big Show are available at TicketWorld. Call Tel. No. 891-9999 or visit www.ticketworld.com.ph. Tickets are priced at P4,000 (VVIP), P3,000 (VIP), P2,200 (GOLD), P1,000 (SILVER) and P500 (SILVER 2).


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN