Marion Aunor on song she did for the Megastar: "I heard na may pinagdaanan si Ms. Sharon before."

IMAGE Glenn Regondola

Marion Aunor on the song she has written for Sharon Cuneta: "I heard na may pinagdaanan din si Ms. Sharon before… if she was sad before, I want something na makaka-relate siya. Yung song it's a form of pain na parang gusto mo nang mag-give up talaga, like sobrang down ka pero you will rise like a lantern in the sky."



Labis na ikinatutuwa ng singer-songwriter na si Marion Aunor ang balita na dalawa sa kanyang compositions ay iri-record nina Sharon Cuneta at Jona para sa kani-kanilang albums.

Si Sharon ay iri-record ang kumposisyon niyang "Lantern," samantalang si Jona naman ay nai-record na ang kanta niyang "Last Message."

Nung malaman nga raw niya na nagustuhan ni Sharon ang kanyang isinulat, ibang klase raw ang kanyang naramdaman.

Aniya, "I was dying, hindi ko alam kung paanong approach.

“Should I stick sa classic niyang Sharon songs or should I actually take a chance and do something... yung style ko talaga?

"So I went for the second one, hindi ko ini-expect na makukuha and nakuha siya.

"And yung comment daw dun sa second song, sabi raw ni Ms. Sharon ay parang new raw, current.

"Yeah, I'm so happy na nagustuhan niya at nakapasa yun sa kanila."

Sinulat ba ni Marion ang “Lantern” para sa Megastar talaga?

Aniya, "Well, I heard na may pinagdaanan din si Ms. Sharon before, maybe she wasn't really happy.

"I really don't know kung ano but I just wanted na, hayun nga... if she was sad before, I want something na makaka-relate siya.

"Yeah, I did it para talaga sa kanya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marion sa kanyang bar concert tour na may titulong Marion: A Bar Concert Tour na ginanap sa Historia Bar sa Sgt Esquerra Avenue corner Timog Avenue, Quezon City.

DREAMING OF A DUET. Masayang lahad pa ni Marion, “I am super-excited… so far, narinig ko pa lang po yung kay Jona.

“Maganda talaga yung interpretation niya, it's a heartbreak story of my friend, ginawa kong song.

"And I'm even more excited dun naman sa Megastar song; actually, I was pitching three songs for Megastar.

“I think Sir Jonathan Manalo thought bagay kay Jona yung isang song, so ibinigay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Narinig ko na, ang ganda, ang ganda, as in!

“Then, yung isa, ipinitch naman niya kay Ms. Sharon."

Sa tingin ba ni Marion ay babaguhin pa ang tunog ng kanyang kumposisyong “Lantern” ayon sa istilo ni Sharon o pananatilihin ito ayon sa kanyang pagkakasulat?

Sagot ng Star Music recording artist, "Well, nung ibinigay ko po kasi kay Sir Jonathan, bahala na po sila, masu-surprise na lang ako.

"Pero usually naman, nag-i-stick sila sa kung anuman yung... either way basta Megastar ang kakanta, okay na yun sa akin.

"Yung song it's a form of pain na parang gusto mo nang mag-give up talaga, like sobrang down ka pero you will rise like a lantern in the sky."

“Well, narinig ko na yung arrangement, they'll be recording very soon.”

Nagkausap na ba sila ng Megastar tungkol sa kanyang kanta?

Sagot ng anak ng dating singer na si Maribel Aunor, "Hindi pa, like, nagkaroon lang kami ng chance noong maging part ako ng We Love OPM.

"Nagkaroon kami dun ng Sharon episode, tinanong po niya ata kay Sir Jonathan kung sino ang nagsulat nito at sinabi nga ako.

"Hayun, kinu-compliment naman niya ako as a songwriter and I can't wait to meet her again now na nakapasa na yung song."

Pangarap din daw ni Marion maka-duet ang award-winning actress-recording artist na si Sharon, ”I hope one of these days.”

Sabi pa niya, “Pangarap ko din namang maka-duet yung mga artist na nabigyan ko ng songs.

“Sana magkaroon ng show like yung kay Jonathan Manalo.

“Malaking honor po sa akin yung makasama mong kumanta ang ina-idolize ng lahat."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN