What can Yeng Constantino say about rivalry issue with Sarah Geronimo?

IMAGE Noel Orsal

Yeng Constantino reveals one of her greatest fears, but remains thankful for her longevity in showbiz: "I've seen a lot of reality winners na nawala rin po. There was a time na natakot din ako na baka ako na yung susunod. But it really just kept going na mag-dig deep pa sa craft ko, yung songwriting po. Grateful po ako doon."

 



Nakatanggap ang Star Music Inc. ng parangal mula sa YouTube.

Ginawaran ng Gold Play Button ng YouTube ang Star Music Inc. dahil umabot na sa higit one million ang YouTube subscribers nito.

Ang record label ay isa lamang sa pitong channels sa Pilipinas na mayroong one-million subscriber base sa YouTube.

Ang Gold Play Button ay isang framed limited-edition gold-plated play button na ibinibigay ng YouTube sa mga media channels na umaabot sa one million ang bilang ng subscribers.

Isang natatanging karangalan para sa isang record company na makakuha ng ganitong kalaking bilang ng YouTube subscribers.

Kasabay nito ang pagkilala naman ng Star Music sa ilang mga piling recording artists nila na nakakuha ng milyun-milyong views para sa kanilang mga music videos sa YouTube.

Nangunguna na rito si Yeng Constantino na umabot sa 5.2 million plus views para sa kanyang single na “Ikaw.”

HIT AND MISS.” Nagpahayag ng kanyang kasiyahan at pasasalamat si Yeng sa award na ibinigay sa kanya ng music label ng ABS-CBN.

Sabi pa ng singer-composer, “First of all po, salamat po doon sa mga bumili.

“Kasi po ngayon digital na po, e.

“Even yung latest album ko na All About Love na nag-platinum po siya because of yung online na bumili.

“Pero yung physical CD po, parang talagang pumupunta na po sa ibang direksyon, kaparehas na po ng YouTube na mami-measure at real time kung ano ang gusto ng tao.

“So, sa tingin ko po parang ganundin po ang journey ko sa career ko na hinahanap ko po yung gusto ng mga supporters.

“Minsan magmi-miss. Eto pong 'Ikaw,' nag-number one, hindi ko po... yun pong I just know na magna-number one ito.

“Steps po talaga na ginagawa siya.

“Hit and miss. May mga music videos po ako na hindi rin po ganon karami ang views.

“Pero as you go along nalalaman mo kung ano yung timpla na gusto ng mga supporters mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinalad po ako sa 'Ikaw,' kaya grateful po ako na nag-number one.”

NO RIVALRY WITH SARAH. Ang awitin nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo na “Paano Ba Ang Magmahal” ay isa rin sa mga awiting umabot sa one million views, at siya ring kinilala ng Star Music.

Ang naturang kanta ay mula sa soundtrack ng pelikulang The Breakup Playlist.

Pero tila naungusan ni Yeng ang Pop Star Princess na si Sarah sa karerang ito pagdating sa number of views sa YouTube.

Sambit na reaksyon agad ni Yeng, “Napaka-controversial naman niyan.

“Sa akin po kasi, sa industriya, yung tulungan, doon ko po nakikita.

“Maaaring sa ganitong oras ako po yung nandun, pero I always feel like puwedeng next month, iba naman and that’s okay.

“You learn to be happy sa success ng mga taong nasa paligid mo.

“Magkaibigan kasi kami ni Sarah.

“Actually, sinasabi niya sa akin na sobrang gusto niya yung song ko na 'Ikaw.'

“Kaya nga nag-collaborate rin kami sa album niya.

“Meron din akong song doon na 'Kaibigan Mo.'

“I wrote that song. Hindi lang ako nakapunta sa launch kasi meron akong prior sked.

“Ganun po ang dynamics. I think sa lahat naman ng artists.

“Lalo na po sa Star Music, one family po kami.”

Sina Yeng at si Jonathan Manalo ng Star Music ang nag-collaborate para sa nabanggit na awitin nina Sarah at Piolo.

Nakapanayam si Yeng ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang entertainment media sa press conference ng Star Music Inc. para sa YouTube One Million Subscribers award nila at pati na sa ilang sa artists na nagkaroon ng higit sa isang milyong views.

Ginananap ito noong December 8 sa 9501 resto, ELJ Building, ABS-CBN compound.

Naroon din sa presscon ang ibang awardees na sina Liezl Garcia (“Di Ko Kayang Limutin”), Enchong Dee (“Chinito Problems”), Morisette Amon (“Akin Ka Na Lang”) at Janella Salvador (“Mahal Kita Pero”).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TRIBUTE. Bukod dito, ang unang kantang ni-record ni Yeng na pinamagatang “Salamat” ay ni-revive at kinanta ng higit 34 singer-artists ng local music industry kabilang na sina Vina Morales, Piolo Pascual, Jolina Magdangal, Jed Madela at iba pa.

Ito ay ginawa bilang panibagong pagkilala sa husay ni Yeng sa paglikha ng awitin.

Komento niya sa pagpapahalaga sa kanyang obra, “Sobrang grateful po.

“Si Kuya Jonathan [Manalo ng Star Music] ang nakakausap ko, siya po ang nagbalita sa akin.

“Everytime naman po na gagamitin yung kanta ko, lagi naman pong may magic moment pa rin na, 'Ha? '

“I always remember pa rin po kung saan ako nagsimula bilang songwriter.

“Salamat po sa Star Music at sa PARI.”

10TH ANNIVERSARY. Ngayon ang 10th anniversary ng singing career ni Yeng na nagsimula nang manalo siya bilang kauna-unahang Pinoy Dream Academy grand winner noong 2006.

Masasabi niyang highlight ng kanyang career ang pananatili niya sa industriya ng mahigit isang dekada.

Patuloy ni Yeng, “Siguro po nag-start po ako sa malaking blessings yung longevity po, nag-stay po ako sa music industry.

“Isang dekada rin po ang nilakbay ko na never ko talagang maiisip na makakapagtagal ako ng ganito.

“I’ve seen a lot of reality winners na nawala rin po.

“There was a time na natakot din ako na baka ako na yung susunod.

“But it really just kept going na mag-dig deep pa sa craft ko, yung songwriting po.

“Grateful po ako doon.

“Yung staying po, kapag iniisip ko yung blessings like nasa ASAP pa rin ako until now.

“Parang every year sinasabi ko, 'Naku, sana Lord mag-stay pa ako.'

“Nagkaroon po ng mga projects. Nakapag-host po ako ng The Voice.

|Tapos po, hurado po ngayon sa Tawag ng Tanghalan and sa Pinoy Boy Band Superstars.

“Yung mga concerts ko rin po with my idols like Bamboo, Kuya Rico Blanco, Gloc 9...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang milestone po sa akin dahil ini-idolo ko sila ever since.

“And of course, yung Josephine [stage musical], sini-celebrate po yung pagiging songwriter ko.

“Ginawan po ako ng isang musicale ng Star Events at ng ABS-CBN with Cornerstone.

“And I’m very, very privileged.

“Saka ngayon po, meron ako para sa mga taga-suporta ko dahil nga 10 years na ako sa industry, gumawa po ako ng compilation ng Star Music ng mga songs ko in one album.

“So, they can listen to it sa Spotify at sa lahat ng mga record stores nationwide. Yeng 10 po ang title ng aking anniversary album.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN