APO Hiking Society kicks off 40th anniversary celebration

by Nora Calderon
Sep 5, 2008
To celebrate their four decades in the music industry, the APO Hiking Society—composed of (from left) Buboy Garrovillo, Jim Paredes, and Danny Javier—will have a pre-anniversary concert. APO of the Philippines will take place on September 20 (Saturday), 8:00 p.m. at the Araneta Coliseum.


The APO Hiking Society, one of the country's leading music icons, will kick off a year-long celebration marking their 40th year in the music scene with a pre-anniversary concert titled Apo of the Philippines on September 20, 8:00 p.m. at the Araneta Coliseum.

Hindi agad sabay-sabay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Jim Paredes, Buboy Garrovillo at Danny Javier sa Baang's Cafe last Friday, August 29, kaya mas maganda na nakakuwentuhan muna namin sila isa-isa. Ang trio ng APO, na tumagal na ng four decades sa industriya, ay nakapag-record na ng 26 albums at may ginagawa silang pang-27th, na ilo-launch nila kasabay ng concert. To date, nakagawa na sila ng may 2,076 concerts here and abroad. Sila ang first Filipino group na nakapag-perform sa Main Hall ng Carnegie Hall in New York. Pero alam ba ninyong first time pa lamang ng APO na magku-concert sa Araneta Coliseum?

"Madalas na rin kaming mag-perform sa Big Dome, pero hindi show namin kundi guest lamang kami ng mga artists na nagko-concert doon," kuwento ni Jim. "Naka-perform na rin kami sa Folk Arts Theater, sa ULTRA at iba pang venue, but never sa Araneta. Mas gusto kasi naming mag-perform doon sa medyo maliit na venue lamang para mas intimate sa crowd. Last year nag-try kami sa Araneta pero fully booked kaya sa PICC kami natuloy mag-concert."

Continue reading below ↓

"Nag-campus tour din kami noon," kuwento naman ni Buboy. "Mabenta kami sa mga kolehiyala roon at si Jim ang campus heartthrob noon. Kami namang tatlo, high school days pa lamang namin, hanggang college, magkakasama na kami sa Ateneo University."

Sa loob ng 39 years of their friendship, nagkakaroon din ba sila ng conflict?

"Meron din, girls and ego," natatawang sagot ni Jim. "Mga bata pa rin naman kami noon, normal lamang siguro, pero bilang matalik na magkakaibigan, madali naming inaayos iyon para hindi na lumala at masira ang binuo naming friendship. Hindi rin kami nagpilitan sa aming mga desisyon sa buhay. Isa na rito noong mag-decide akong mag-migrate sa Sydney, Australia with my family. Pero hindi rin ako tumagal doon na dire-diretso, bumalik din ako rito at iniwan ko roon ang family ko. Nandito ako ngayon, kasama ko ang isa kong daughter and my apo para sa preparation namin sa concert. Nag-guest nga kami ni Buboy sa Pinoy Dream Academy Season2. Pagkatapos ng concert, may concert kami sa States, pagkatapos uuwi ako ng Sydney, pero by November, babalik ako for the Christmas shopping rush tapos babalik ulit ako sa Sydney to be with my family on Christmas."

Continue reading below ↓

"Ako naman, mahilig talaga sa acting kaya kapag may offer, tinatanggap ko basta walang conflict sa iba kong ginagawa," nakangiting wika ni Buboy. "Last movie kong ginawa iyong Close To You nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, siyempre, hindi ko malilimutan ang role ko bilang si Padre Fores sa Marimar.

TEMPORARY SEPARATION. July 14 and 15, 1973 daw ang una nilang concert sa Meralco Theater at pagkatapos noon, nag-decide silang maghiwa-hiwalay muna.

"Gusto kong mag-farm na lamang sa amin sa Dumaguete, pero hindi iyon natuloy," sabi ni Buboy.

"Ako naman, nagpaalam na kina Buboy at Danny dahil exchange scholar ako sa Turkey. Of all places, sa Turkey pa, but the free ticket never came," dagdag naman ni Jim.

Doon na raw muli silang nag-isip tumanggap ng shows, first thing na ginawa nila, kumuha na sila ng manager.

"Si Danny sana ang manager namin, pero nagkasundo kaming iba na lamang, mahirap namang kami ang makikipag-usap at maghahabol sa aming talent fee if ever na may problema. Si Butch Dans ang naging manager namin, pero ngayon ang wife niyang si Bette ang manager namin, si Butch na ang in-charge sa aming musicality."

Continue reading below ↓

At sa 39 years na magkakasama sila, kahit pa anong songs nila ang gamitin, patuloy daw silang tumatanggap ng royalties.

Nang makausap ng PEP si Danny, biniro siya na baka may tutulungan na naman siyang mga pulitikong kakandidato sa 2010 elections. Iyong mga past elections kasi, marami siyang tinulungang kandidato.

"Wala pa, wala pa namang nagsasabi, medyo malayo pa naman," nakangiting sagot ni Danny. "Saka natuto na ako, kailangang gusto ko talaga ang kandidato at my budget siya, ayaw ko nang mag-abono."

Bakit hindi buo ang APO Hiking nang mag-guest sa Pinoy Dream Academy Season 2 sa ABS-CBN a few weeks ago?

"Hindi ko naman nami-miss mag-appear sa TV saka I don't believe in that concept. Wala namang bago, dinidiktahan na tayo, kasama na kami [APO Hiking] sa nagdidikta ng panonoorin. Kaya ako, news lamang ang pinapanood ko, ang 24 Oras at ang Unang Hirit ng GMA Network, refreshing kasing panoorin ang mga tao roon, silang-sila, no pretentions, very entertaining. Mas gusto kong manood ng mga programa na ang format may katotohanan at katuturan."

Continue reading below ↓

Hindi ba pumasok sa isip nilang magsama sa isang concert with Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon o ang TVJ, na tulad nila ay hindi pa rin nabubuwag ang samahan sa loob ng napakaraming taon na magkakasama sila?

"Nauna kami ng four years sa TVJ at humahanga ako sa kanila. Believe ako sa business acumen ni Vic, si Joey, one of the most creative people, nakakatuwa siya at si Tito, alam naman natin kung saan siya talaga nakalinya, sa politics. Magkasama kami ng TVJ noon sa isang show, ang Okey Lang! pero hindi kami nag-isip na magsama sa concert dahil alam namin ang aming mga kakayahan. Magkaiba ang genre namin, kung magko-concert kami, ano ang gagawin namin kapag kumakanta sila at kung sila na ang kumakanta, ano rin ang gagawin namin. Kahit iyong mga patutsadahan, hindi namin pinapatulan iyon, hindi namin trabaho iyon, may respeto kami sa isa't isa."

Continue reading below ↓

Bago pala naging singer si Danny, naging painter din siya, sculptor at pagkatapos ng concert, may isang exhibit siyang gagawin, pero ayaw muna niyang sabihin kung ano iyon.

Sa APO of the Philippines concert, forty songs ang inihanda nina Danny, Buboy at Jim, pwera pa ang medley of songs, pero sinisiguro nilang mag-i-enjoy ang lahat ng manonood sa kanila. At mali ang mga nasulat na iyon daw ang huli nilang concert.

"We enjoy our music, we love what we are doing, and we don't want it to be the last. We always want to go on. After our Araneta concert, may concert pa kami sa abroad, kaya talagang hindi pa iyon ang last," nakangiting wika ng tatlo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
To celebrate their four decades in the music industry, the APO Hiking Society—composed of (from left) Buboy Garrovillo, Jim Paredes, and Danny Javier—will have a pre-anniversary concert. APO of the Philippines will take place on September 20 (Saturday), 8:00 p.m. at the Araneta Coliseum.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results