Ronnie Liang topbills Sept 27 concert at the Music Museum


Pinoy Dream Academy second runner-up Ronnie Liang ispromoting his September 27 concert at the Music Museum titled Triple DareMusic and his album under Universal Records titled Ronnie Liang: Ngiti.



Dream-come true for Pinoy Dream Academy secondrunner-up Ronnie Liang na nakasama siya sa dramedy na I Love Betty La Feang ABS-CBN.

"Ang tagal ko pong hinintay iyon, ang tagal kongipinagdasal na makasama ako sa isang teleserye," sabi ni Ronnie nangmakausap ng PEP sa JJ's Coffee Shop along Timog Avenue in Quezon City noongSeptember 4. "Nang tawagan ako ngStar Magic para mag-audition, tuwang-tuwa po ako. More than 100 po siguro kami na nag-audition, mga kasama ko saStar Magic ang iba, iyong iba, mga talents din ng ABS-CBN. Kaya happy po ako nang sabihin sa akin na inna ako sa I Love Betty La Fea andI will play the role of Enrique, ang mabait pero istriktong HR manager ng EcoModa advertising agency. Lahat po ngmga taga-Star Magic na nakapasa sa audition ay nabigyan ng role sa show namagsisimula nang mapanood sa Monday, September 8. Para po kasi sa akin, napakalaking project nito at sabi'y tatagalng three seasons ang pagpapalabas.

"Pero ako po next week pa mag-start ng taping,"dagdag pa ni Ronnie. "Pinanood kopo sa Youtube ang Betty La Fea lalo na iyong character ni Enrique. Nakasama ko na rin po for the first time siJohn Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Vhong Navarro at si Ms. Ruffa Gutierrez sapictorial at taping ng teasers and trailers. Akala ko po noong una, suplada si Ms. Ruffa, pero ang bait-bait palaniya. Siya pa ang lumapit sa akin, binigyanako ng isang magazine na siya ang cover at sinabi niyang excited na raw siya towork with us, kami po na nakapasa sa audition na bago rin lamang niyangmakakasama sa show."

FOUR-BEDROOM HOUSE. Nakumusta na rin namin kay Ronniekung tapos na ang bahay na ipinatatayo niya para sa kanyang parents sa kanilasa Angeles City sa Pampanga.

"Tapos na po at sa September 18, pwede nang lumipat sa4-bedroom house ang parents ko. Nanghuli po akong umuwi sa amin para i-check kung tapos na ang paggawa ng bahay,halos napaiyak po ako sa tuwa, dahil tapos na tapos na pala iyon. Katuparan din po kasi iyon ng matagal konang pangarap na maipagpatayo na sila ng sariling bahay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naalaala namin ang kuwento noon ni Ronnie, nang kapapanalopa lamang niya sa PDA, na binigyan na sila ng notice na pinaaalis na sila ngmay-ari ng bahay na dati nilang tinitirahan. Nagsikap siyang mabili iyong lote, bale 400 square meters din iyon, namalapit lamang sa dati nilang inuupahan at sinimulang patayuan ng bahay. At ngayon nga, tapos na at next week aypwede nang lipatan ng parents niya.

"Para po talaga sa kanila iyong bahay, pero may sarilirin po akong room para kung umuuwi ako para dalawin sila ay may matutuluganako. Mayroon po naman akong condo unitna tinitirahan malapit sa ABS-CBN at paghahandaan ko naman ang pagpapatayo ngsarili kong bahay, pero matatagalan pa po iyon, mag-iipon po muna ako nangmag-iipon," nakangiting kuwento ni Ronnie.

RONNIE LIANG: NGITI. Ayon sa batang singer,may bago siyang ipu-promote na album.

"Ito po iyong updated na debut album ko sa UniversalRecords, ang Ronnie Liang: Ngiti. May kasama po itong four music videos ng "Data,""Ngiti," "Gusto Kita" at "Ikaw," at seven audiotracks, ang "Ngiti," "Gusto Kita," "Ang Aking Awitin"na ka-duet ko si Nikki Gil, "Ikaw," at ang Pampango version ng"Ngiti," ang "Ayli" at "Ikaw," ang"Ika" at minus one ng "Ngiti." Dapat nga raw po ay hindi pa ito iri-release, pero nangpatugtugin daw sa radio, nagustuhan po raw iyong Pampango version ni JakeNicdao at unang kinanta ni Vince Katindoy, kaya po ini-release na rin thisweek.

"Masaya po ako dahil sabi ni Ms. Kathleen Go, producerng Universal Records, malapit na po itong maka-gold kaya nagpapasalamat po akosa lahat ng mga fans at mga bumibili ng aking CD."

May solo concert din si Ronnie sa Music Museum sa September27, ang Triple Dare Music kung saan guests niya ang mga batchmates niyasa Pinoy Dream Academy na si Yeng Constantino, Iya Ginez, Geoff Taylor, PinoyBig Brother Celebrity Edition 2 Bodie Cruz, and Rox Puno (anak ni Rico J.Puno).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang maganda po nito, may guaranteed seats na ito dahilproduced ito ng Events Authority at for the benefit ng Immaculate Heart of MaryMarriage Encounter Community," sabi pa ni Ronnie.

Ayaw na ring magsalita pa ni Ronnie sa intriga sa kanya kaySarah Geronimo, basta humahanga pa rin siya sa kasama niya sa Music RoomSegment ng ASAP '09 every Sunday dahil hindi pa rin ito nagbabago ngpakikitungo sa kanya, napakabait daw talaga ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN