"Ka Pete Na, Ka Long Pa" ongoing until October 2

by Julie E. Bonifacio
Sep 9, 2008
Brod Pete (left) and Long Mejia (right) will once again entertain audiences during their gag show titled Ka Pete Na, Ka Long Pa! Catch their remaining performances on September 13, 25, and October 2 at the Music Museum.


Standing room only ang Music Museum noong Sabado ng gabi, September 6, nang itinanghal ang first night ng gag concert ni Brod Pete at Long Mejia titled Ka Pete Na, Ka Long Pa! Sa opening act ng show nilinaw ni Brod Pete na para lang sa matatalino ang show na mapapanood ng mga nasa Music Museum at pinalalabas ang mga bobo. Sa simula't hanggang matapos ang show talaga namang humahalkhak ang audience.

Muling binuhay nina Brod Pete and Long Mejia ang sikat na "Dating Doon" at talagang napasabi rin sila ng "Alien! Alien!" ang mga nanood ng show. Isa rin sa highlight ng show ang kanilang "Tough Hits" na pinasikat nina Tito, Vic, at Joey kasama ang tinatawag nilang "Singing B," isang bulag pero napakahusay na gitarista.


Ang pinakahihintay na spoof ng Bench Fashion Show ay tinawag nilang "Backout with the BenchWarmers" kung saan talaga namang dumagundung sa kakatawa ang buong Music Museum dahil rumampa ang dalawa at sa huli ay naghubad silang pareho. Naloka ang audience nang makitang naka-T-back lang si Long.

Continue reading below ↓


Si Angelica Jones ang guest sa first night ng Ka Pete Na, Ka Long Pa! Matatandaan na nagkaroon ng ugnayan noon ang bida ng show na si Long kay Angelica. Nandun din builang guest ang dating kasama nina Brod Pete at Long na si Dennis Padilla na talagang nakakatawa rin. Isa pang guest ang sexy star na si Michelle Esteves na nagbabalik pelikula sa pamamagitan ng indie film na Paupahan.


Nagbigay naman ng kanilang mga bonggang-bonggang song number ang Cercado Sisters at ang diva na si Ms. Faith Cuneta na may nakakatawang number kasama si Brod Pete.

Sa darating na Sabado, September 13, ang second run ng gag concert na ito at ‘di dapat palampasin dahil sa mga naglalakihan at bigating mga special guests gaya nina Cesar Montano, Ara Mina, Bayani Agbayani, Ms. Faith Cuneta, at ibang mga surprise guests.


Mabibili ang tickets para sa Ka Pete Na, Ka Long Pa! sa Ticketworld.



Ticketworld
Read Next
Read More Stories About
Long Mejia, concert, music
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Brod Pete (left) and Long Mejia (right) will once again entertain audiences during their gag show titled Ka Pete Na, Ka Long Pa! Catch their remaining performances on September 13, 25, and October 2 at the Music Museum.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results