Ogie Alcasid writing a song for Vice Ganda: "Singer naman siya, e."



Ginawan ni Ogie Alcasid ng isang kanta si Vice Ganda para i-record nito sa susunod niyang album.

Ayon kay Ogie, napapanahon na upang kumanta si Vice ng isang ballad song dahil bagay naman daw sa kanya at singer naman daw ito.

“Sabi ko sa kanya, ‘Vice, dapat kumanta ka ng magandang ballad,’ kasi singer naman siya, e.

“I think nag-record naman, and then I submitted my song to him. It’s an original song,” saad ni Ogie nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainmant Portal) sa mini-presscon nila nina Ai-Ai delas Alas at Erik Santos.

Sna Ogie, Ai-Ai, at Erik ay may Valentine’s Day concert titled #HugotPlaylist na gaganapin sa Kia Theater sa February 14.

“That’s why sabi ko sa kanya, Vice, dapat kumanta ka ng magandang ballad, kasi singer naman siya, e. I think nag-record siya, and then I submitted my song to him. I don’t know when he’s going to record it, pero it’s an original song,” dagdag na pahayag ng singer/songwriter.

Ang title ng kanta ay Di Na Muli, na tungkol sa isang taong ayaw nang umibig pa uli.

“Hangga’t di pa niya nakukuha ang tunay na love, hindi na muna siya iibig,” napapangiting kuwento ni Ogie.

Dagdag nito, “Nakausap ko siya one time, sabi ko sa kanya, ‘Narinig mo na ba?

“Oo ang ganda, Sir Ogie, pang theme song.”

Sabi pa ni Ogie, “Hindi ko alam may number pala ako ni Vice.

“Sabi ko, ‘Vice, ikaw ba ‘to?’ ‘Yes, Sir, ako po ‘to.’

“Sabi ko, ‘Sinabmit ko na yung kanta mo.

“Sabi niya, ‘Oo, thank you, thank you talaga.”


GOOD WORDS FOR VICE. Natutuwa si Ogie sa magandang pakikitungo sa kanya ni Vice Ganda, pati ng mga kasamahan nila sa It’s Showtime.

Ang former TV5 talent ay isa sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan segment ng noontime show.

Doon daw niya nakita ang mataas na paggalang sa kanya ni Vice Ganda.

“Nakakatanda nga, e,” natatawang sabi ni Ogie.

“I admire him. In fact, nung unang labas ko sa Showtime, yung intro niya sa akin ang haba-haba. Natuwa ko. Sabi ko wow!

“Minsan sinusundot niya ako na, ‘O, ayan kahit nakatayo, nakaupo pa rin.’ ‘Yung cute lang na sundot. Maganda.

“Nilalait ko rin siya minsan, pero nandun yung respeto,” tugon ng bagong Kapamilya artist.

Binahagi rin ni Ogie na ang comedian ay tagahanga ng kanyang asawa na si Regine Velasquez.

“Alam ko fan siya ni Regine, e.

“I guess nananaig sa kanya yun dahil fan siya ni Regine,” pakli ni Ogie.

“I don’t know if I’m okay to say that, but yung respeto niya kay Reg, siguro lumipat din sa akin, nadamay din ako, na nakakatuwa naman.

“Naalala ko ‘yan si Vice nung nagsisimula ‘yan, si Regine nagi-guest talaga sa mga shows niya.

“I even remember one time, andun pa ako, kasi sinamahan ko si Regine. Sila ni Anton Diva.

“You know, yung history na ganun hindi nila nakakalimutan. Nakakatuwa,” masayang saad ni Ogie.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN