Boyband PH members got mobbed and fell down at mall show

IMAGE Noel Orsal

Members of BoybandPH: (L-R) Ford Valencia, Niel Murillo, Russel Reyes, Tristan Ramirez, and Joao Constancia



Ibinahagi ng mga miyembro ng BoybandPH—na sina Niel Murillo, Russell Reyes, Tristan Ramirez, Ford Valencia, at Joao Constancia—ang kanilang kakaibang fan experience sa press launch ng kanilang self-titled debut album.

Noong January 17, dinumog ng fans ng BoybandPH ang kanilang mall show sa Robinsons Place General Trias sa Cavite.

Matapos nito, nag-viral sa social media ang litrato kung saan makikita silang pinag-aagawan at pinagkakaguluhan ng mga fans.

Ayon sa mga miyembro ng all-male group ng ABS-CBN, isa ito sa mga craziest fan experiences nila sa loob ng halos dalawang buwan nilang pagsasama bilang boy band.

Ayon kay Tristan—na isa sa pinakanakuyog ng fans—naiintidihan naman nila kung bakit naging ganun ang reaksyon ng mga fans.

"Siguro sa sobrang saya po nilang makita kami, mahawakan," kuwento ni Tristan, sa presscon na ginanap nitong February 3, sa ABS-CBN ELJ Communication Center, sa Quezon City.

Bukod kay Tristan, sina Ford at Joao ay matinding dinumog din ng fans.


Sa isa sa mga litrato, makikita sina Ford at Joao na nakikipag-gitgitan sa fans pabalik ng kanilang sasakyan.


Ikinatutuwa naman ni Joao na marami ang dumating sa kanilang mall show.

Pahayag nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Overall, it was great because we didn't expect a lot of fans to be there, a lot of people to support our show and our songs.

"So, talagang overhelming po, tuwang-tuwa, and then we gave everything [for the performance] and we're happy that they joined."

Aminado itong hindi nito malilimutan ang kanilang experience.

"It was crazy, I lost my earrings, people were touching all of us, they were grabbing our shirts and everything.

"So that was crazy but it was fun. It was fun and scary."

Isa naman sa ipinag-alala ni Tristan ay nang matumba na ang kanyang grupo at nang magkasakitan na maging ang kanilang mga fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento nito, "Siguro ang pinaka-nakakatakot lang po talaga na part na yun, e, yung tumumba na po kaming lahat sa floor po.

"Parang stampede na po talaga na may mga fans po na nagtatapakan."

Laking pasasalamat rin ni Tristan sa tulong ng mga marshalls ng ABS-CBN.

Ani Tristan, "Yung mga marshalls po ng ABS-CBN, sobrang secure po. Papasok pa lang po kami, sinesecure na po nila yung mga dadaanan namin. Sobrang safe, okay kaming lahat po."

Si Ford naman ay napadasal nang dumugin sila ng kanilang mga tagahanga.

Kuwento nito, "Yun nga nagdasal ako sa harap nila kasi parang nawalan po sila ng disiplina nung palabas na kami ng backstage po."

"May security po, kasi hindi po kinaya."

Kuwento naman ni Niel, maayos siyang nakadaan sa gitna ng kanilang mga fans dahil hindi daw ito masyado napansin, di gaya ng tatlong mas matatangkad na miyembero ng kanilang grupo: sina Ford, Joao, at Tristan.

Aniya, "Silang tatlo kasi yung nauna, tapos naka-Tshirt lang, ako naka-jacket kaya yumuko lang ako. Tapos kinuha na po ako ng security."

Nagpasalamat din si Niel sa admin ng kanyang fan club dahil ang mga ito rin ang nagprotekta sa kanya sa kaguluhan.

Aniya, "Nagpapasalamat din po ako sa mga admin ko, sa mga admin ng fans ko."

Natatawa namang ikinuwento ni Russel ang kanilang kakaibang experience. Ilang fans daw ang sumubok na pasukin ang kanilang backstage tent.

Bahagi nito, "We were on standby at the backstage in like this green tent, and then, there were fans like literally opening up [and peeking inside our tent].

"The tent was getting pushed around and people are trying to come underneath, so it's quite interesting and kinda crazy to see that."

"Some of the other guys were a bit traumatized, but I thought it was funny."

Dagdag pa ni Russel, "Also, I was wearing a white pair of shoes when we got into the mall. By the time we left, they were black."

Kasama sa debut album ng BoybandPH ang single nilang “Unli," na ang music video ay tampok ang singer-actress na si Janella Salvador.

Nasa album din ang cover nila ng “Somebody” ng Depeche Mode, at originals na “Boyfriend," "Magmamahal," ang winning song ng BoybandPH na “We Made It," at ang acoustic version ng “Boyfriend.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN