Sarah Geronimo sings a duet with Backstreet Boys member


Howie Dorough of the Backstreet Boys will arrivein the Philippines to help Sarah Geronimo promote the album Just Me,which contains their duet together. The 16-track album from Viva Records willbe officially launched this Sunday, September 14, at ASAP ‘08.



Masayang-masaya ang Pop Princess na si Sarah Geronimo na sakabila ng napakalakas na ulan last Wednesday, September 10, lunchtime, siksikanang entertainment media sa Pier 1 along Tomas Morato Extension sa pag-cover saalbum launch niya ng Just Me from Viva Records. Another treat ito ni Sarah sa kanyang mgafans after ng resounding success ng kanilang first movie team-up ni John LloydCruz, ang A Very Special Love ng Star Cinema at Viva Films.

First song na kinanta ni Sarah ang carrier single na"I'll Be There" na ni-record niya sa U.S. noong may concert siya saLos Angeles last March, at ka-duet niya si Howie Dorough ng BackstreetBoys. Hindi sila nagkita noon ni Howiepero darating ito sa September 23 para tumulong mag-promote ng album.

"Itong next song, isa po ito sa favorite ko sa album,sana magustuhan ninyo," sabi ni Sarah at madamdaming niyang inawit ang"You're The Love of My Life." Kahit wala sa album, pinagbigyan ni Sarah ang request na kantahin niyaang theme song ng "A Very Special Love" of the same title, na maynakipag-duet pa sa kanyang isang teener na fan niya na maganda rin ang boses.

After the launch, in-interview na ng press at ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Sarah. Ang unang tanong sa kanya, sino angtinutukoy niyang "You're The Love of My Life?" Bago ba niyang showbiz crush iyon?

"Siya po iyong kinatutuwaan kong tao, na sumasaya akokapag nakikita ko siya," nakangiting sagot ni Sarah. "I want to keep it to myself, masarapdin po iyong may itinatago ka sa sarili mo na tuwing maalaala mo, sumasayaka."

Pero kahit anong pilit, hindi nagsalita si Sarah. "Basta nakakasama ko po siya tuwing Linggo sa ASAP‘08 at mas matanda siya kaysa sa akin."

Bakit naman siya napasasaya ng taong iyon tuwing nakikitaniya?

"Hindi ko rin po iyon maintindihan, kung bakitnapapasaya niya ako," napa-giggle pang sagot ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman kaya may ibang love ang crush niya o may ibaitong ka-love team? "Huwag na po, baka po maraming mag-react. Kapag sinabi ko po kung sino siya, alam kona po kung ano ang mangyayari, kaya huwag na lang."

May nagtanong kung may letter "B" ba sa name ngcrush niya. Wala raw. Bago kasi iyon, sinabi ni Sarah na gustoniyang mag-guest sana sa kanyang The Next One solo concert sa AranetaColiseum sa November 8, si Billy Crawford.

"Pinakiusapan ko na po si Billy kung pwede siyangmag-guest sa concert ko," unang kuwento ni Sarah. "Pero aalis po pala siya sa September17, pagkatapos ng grand finals ng Pinoy Dream Academy Season 2 at salast week of November na siya babalik, by that time, tapos na po ang concertko. Special guest ko po si John Lloydat kung may gusto rin sana akong mag-guest sa concert, si Martin Nievera poiyon. Pero hindi ko pa po alam kungsino ang ibang guests, ang alam ko pa po lamang, si Mr. M [Johnny Manahan] angmagdidirek ng concert, si Louie Ocampo ang musical director at ipu-produced poito ng Viva Concert and Events. Mayroonpo akong pinapangarap na gagawin sa concert at surprise ko po iyon sa inyonglahat."

Masaya rin si Sarah sa balitang nominated daw ang teleseryeniya dati na Pangarap na Bituin sa Emmy Awards. Pumasok ang ABS-CBN showna ito sa regional semi-finals ng 2008 International Emmy Awards.

"Hindi ko pa po alam ang tungkol doon pero salamat pokung totoo. It is such an honor for me,kahit po nomination lamang, kung mananalo po, malaking bonus na po iyon saakin."

Biniro tuloy si Sarah na sa big success ng A Very SpecialLove, dapat ay may bonus siya at may victory party para sa kanila ni JohnLloyd.

"Ay, sino po ang magbibigay ng bonus at blow-out, bastaito po para sa inyo mula sa Viva Records," nagtatawang sagot niSarah. "Sana nga po meron."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa ring alam si Sarah kung after ng concert niya,magsisimula na silang mag-shooting ng follow-up movie nila ni John Lloyd nasabi'y ang magiging title ay A Very, Very Special Love.

Produced by Christian de Walden for Viva Records, may 16tracks ang Just Me, ang other 14 songs ay "Dahil Minahal MoAko," "Where Only Angels Fly," "Silence," "OneLittle Kiss," "I Belong To You," "Just Me," "LookInside Ourselves," "Kahit Mahal Mo Ay Iba," "Played,""Sweet Memories," "I Am Falling," "What Have You DoneTo My Heart," "Remind Me To Forget You," and "MovieLife."

"Uunahin ko na po muna mag-promote ng album sa Sunday, September14, ang formal launch po ng album sa ASAP '08. Then sa September 28 sa Mall of Asia,October 4 sa SM Sta. Rosa, October 12 sa SM Fairview at sa October25 sa SM Clark, then ang rehearsals ko na po para sa concert ko,"nakangiting patapos ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN