WCOPA winner Geca Morales wants to collaborate with KZ Tandingan and Sarah Geronimo

IMAGE Noel Orsal

Geca Morales won a gold medal in the Female Vocal Rap Category of WCOPA 2016. She has recently released her first single titled "Oo, Ikaw."



Hindi pa rin makapaniwala ang baguhang singer at Penser Q Talents artist na si Geca Morales na isa na siyang recording artist ngayon.

“Una po sa lahat, napaka-fulfilling po sa pakiramdam kasi po before nagko-cover lang po ako sa YouTube, sa Sound Cloud, nagpo-post lang po ako ng videos sa Facebook. But now, nase-search ko na po yung name ko sa Spotify, tapos parang mapi-feel mo na singer na talaga ako kasi po I do have my first single. So, sana po marami pa pong sumunod na kanta,” sabi ni Geca.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Geca noong March 28 sa Book and Borders Cafe sa Tomas Morato, Quezon City, kung saan ini-launch ang kanyang first single titled "Oo, Ikaw" under MCA Music (Universal Music Philippines). Na-launch na rin ang music video ng naturang kanta.

Present sa launch ang Penser Q team sa pangunguna ng general manager na si Jeff Paulino, kasama sina Anna Bautista at Marge Serrano."

Tungkol saan ba ang "Oo, Ikaw" na siya mismo ang nag-compose?

“I composed it three years ago po when I was still in college. So, about po talaga siya sa crushes. Paano mo sasabihin sa crush mo na gusto mo siya? And kahit anong gawin mong effort hindi ka pa rin talaga niya nakikita. So, iyon po yung concept ng song.”

Personal experience daw ni Geca ang laman ng "Oo, Ikaw." Hindi rin niya ikinahihiyang sabihin na No Boyfriend Since Birth (NBSB) siya. Choice niya raw ito dahil marami pa raw siyang gustong ma-achieve sa buhay lalo na ngayong nagsisimula na ang kanyang recording career.

Mapapakinggan at maaaring i-download ang debut single ni Geca na "Oo, Ikaw" sa Amazon, iTunes, Spotify, Deezer, at YouTube. For more information, visit www.facebook.com/GecaMoralesOfficial.


WCOPA 2016 EXPERIENCE. Bago pa naging recording artist si Geca ay nauna muna niyang ipinamalas ang kanyang galing sa pagkanta nang mapabilang siya last year sa Philippine delegation na sumabak sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa California, USA.

Itinanghal siyang Senior Solo Vocalist for Team Philippines sa WCOPA 2016 kunsaan nagwagi siya ng gold medal sa Female Vocal Rap Category at silver medal naman sa Female Vocal Rock Category.

Ang WCOPA ang international talent competition at itinuturing na global talent olympics, kung saan din unang naging matunog ang pangalan ni Jed Madela nang manalo siya rito. Incidentally, isa si Jed sa mga pumili kay Geca para mapabilang sa Team Philippines.

Pagbabalik-tanaw pa ni Geca sa kanyang audition, “Actually, ang story po niyan talaga is may friend po ako na nakita po yung poster on Facebook. Tapos nakalagay po World Championships of Performing Arts audition for Team Philippines 2016.

"Parang ako po wala po akong balak na sumali, if ever ako po yung nakakita nung poster. Kasi parang wala pa po akong ganun katiwala sa sarili ko kasi I know po marami pa pong ibang singers na mas magaling sa akin. Paano pa po kung ire-represent niyo yung Pilipinas, di ba?

"Pero since yung friend ko gusto niya talaga and she doesn’t know how to get doon sa venue ng audition, ‘Sige na nga, ipagda-drive kita. Let’s go there together.’ Sinamahan ko siya, so nag-audition na rin ako. Sobrang thankful po ako na nakapasa po ako.

“Yung audition song ko po is 'Hello' by Karmin, it’s a rap song. Mr. Jed Madela, he’s one of the judges that time. Ang sabi niya sa akin, ‘I can see a performer in you. We need someone like you in the team. You’re unique, you’re very different.’

"Nakaka-touch lang po na isang Jed Madela ang nagsabi sa akin nun. Thankful po ako na nakapag-compete ako sa ibang bansa.”

Ano ang mga kantang ipinanlaban niya sa WCOPA?

“Yung first song po is 'Look At Me Now,' which is yung winning piece sa rap category. Then the other one is 'You Ought To Know' by Alanis Morissette, yun naman po yung winning piece ko sa rock category. And the third one is 'Super Bass' by Nicki Minaj, yun po yung for pop.”

Memorable para kay Geca ang kanyang WCOPA experience sa kabila ng pressure na naramdaman niya noong una.

“Actually po, noong una mape-pressure po talaga kayo kasi dala-dala niyo yung pangalan ng Pilipinas. Parang kailangan niyo pong mag-practice nang todo para po hindi mapahiya kaming mga delegates pagdating doon, kapag isinalang dapat ready kami. Pero noong nandoon na talaga, yung experience ng WCOPA itself is a super fun environment kasi parang hindi siya naging competition, lahat naging friends.

"Marami po akong nakilala from different cultures, from different countries, iba-iba. Kaya marami po akong natutunan at na-take away doon sa experience ko po doon. Hindi lang po yung medals and recognitions yung sobrang nagustuhan ko noong sumali ako ng WCOPA.

"Sobrang tuwang-tuwa po ako doon sa nakuha kong friendships and sa experience mismo na makapunta sa U.S., kasi first time ko rin po na pumunta sa Amerika.”


DREAMS OF COLLABORATING WITH SARAH & KZ. Sino naman ang gustong maka-collaborate at maka-duet ni Geca sa mga sikat na local artists?

“Siyempre ang dalawang idols ko, sina KZ Tandingan at Sarah Geronimo.

"Sobrang dream ko po talaga iyon. I really look up to them and it will be a great honor na maka-collaborate ko sila and to perform with them on the same stage.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN