Marion Aunor goes to the US to explore songwriting opportunities

Marion Aunor is being groomed by Star Music as an international artist, and she is feeling the pressure to keep up. She says, "Parang gusto nila ako yung magbi-break nung barrier. Yung Filipino music, mai-share sa ibang bansa. So laging nasa mind ko na yun ever since."


Nagpunta ng United States ang singer-songwriter na si Marion Aunor, partikular na sa Los Angeles, California.

Gusto raw niyang “mag-explore ng songwriting opportunities doon” at mapalawak pa ang experience niya sa pag-compose ng kanta.

Lahad niya, ”Ngayon kasi nagti-take ako ng songwriting courses dun via online sa Berklee College of Music.

“And then, sinabi kasi ng professor ko na pumunta ako sa mga songwriting conventions para networking na rin.

"And then, ayun mas marami pa akong matutunan for songwriting.

"So that’s what I’m gonna be doing for the next couple of months.  

“Going to different songwriting conventions,  making connections, networking and all of that.

"Dun din po nag-aaral si Gerard Salonga and si Psy, yung kumanta ng 'Gangnam Style,' dun din pala siya nag-aaral.

“Dati ko pa talagang dream school yung Berklee.

"Nung nag-a-Ateneo pa lang ako, gusto ko nang mag-shift doon.

“Tinapos ko muna yung course ko sa Ateneo para in case hindi mag-work out sa music, may fall back ako na course."

INTERNATIONAL CAREER. Hindi pa masabi ni Marion kung hanggang kelan siya magtatagal sa Los Angeles.

Aniya, ”Depende dun sa mga schedules ng mga pupuntahan kong conventions.

“Or, kung talagang ipu-pursue ko na dun talaga ako magka-classes or itutuloy ko lang yung online.”

Paano na ang singing career niya sa Pilipinas?

Tugon niya, “Siyempre maglalabas pa rin ako ng mga singles ko rito, sabi ni Sir Jonathan Manalo.

"Ever since nag-start ako sa Star Music, tini-take na ako nina Sir Roxy [Liquigan] as international singer-songwriter.

“Medyo pressure, parang gusto nila ako yung magbi-break  nung barrier.

“Yung Filipino music, mai-share sa ibang bansa.

"So ayun, laging nasa mind ko na yun ever since, and then ngayon lang ako na-encourage.

“Nung natapos ko na yung unang semester… kasi every week, magsa-submit ka ng mga kanta.

“Yung mga classmates ko lahat Americans, mga Europeans, maganda yung feedback nila sa mga songs ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayun, maganda yung feedback, na-encourage ako na baka mas pumatok yung songs ko sa other countries."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN