Gerald Santos tapped to join the cast of new production of Miss Saigon?

IMAGE File

There is something new in the singing career of Gerald Santos and he is confirming it at his concert aptly billed Something New in My Life. Is he leaving? His reply: "Masasabi ko naman po kasi, yung career ko po dito, sakto lang. And if magkaroon ng opportunity na it will take my career to the next level, why not… ?



Maugong ang balita na ang singer na si Gerald Santos ang napiling gumanap bilang Thuy sa bagong production ng Miss Saigon na magkakaroon ng tour sa United Kingdom.

Major production daw ang UK Tour 2017 ng Miss Saigon, na magsisimula sa July, ayon mismo sa producer nito na si Cameron Mackintosh

Officially i-aanounce raw ni Gerald ang “malaking pasabog” na ito sa kanyang career sa concert niya sa SM North EDSA Skydome sa Linggo ng gabi, April 9.

Kaya nga raw ang title ng concert niya ay Something New In My Life.

Bagong Gerald din ba ang haharap sa publiko?

“Maybe yes, maybe not,” at tumawa ito, “basta sa concert malalaman nila kung ano yung something new.”

Nakilala si Gerald bilang grand winner ng Pinoy Pop Superstar noong 2006.

At sa ngayon raw ay ang pagiging theatre actor ang tinatahak ng kanyang singing career.

Handa na ba siya sa demands at challenges ng career path niyang ito?

Confident na tugon ni Gerard, “Yes, yes, handa po akong tanggapin.

“And iyon po yung isa sa mga natutunan ko sa ibang mga great artists natin dito sa Pilipinas.

“Yung mga advise nila sa akin na talagang dapat hindi ka mag-stop na matuto dito sa craft mo.

“Kumbaga, para kang sponge na absorb ka lang ng absorb ng maa-absorb mo.

“At darating ang panahon na ang weaponry mo sa industriya, talagang hindi mapapantayan.”

Iiwan ba niya ang kanyang singing career dito sa Pilipinas para mangibang-bansa?

Lahad ni Gerald, “Right now, masasabi ko naman po kasi, yung career ko po dito, sakto lang.

“And if magkaroon ng opportunity na it will take my career to the next level, why not… ?

“Kung tanggapin ko man po yun, hindi ko naman sinasabing iiwan ko na yung career ko dito.

“Hindi ko puwedeng kalimutan yung aking roots dito.

“Hindi ko puwedeng pabayaan yung mga nagmamahal, mga followers, mga supporters  ko dito sa Pilipinas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap namin si Gerald sa Alex III restaurant sa Quezon City noong  Sabado, April 1.


DREAM COME TRUE. Special guest ni Gerald si Regine Velasquez sa concert niya at nai-share na rin daw niya dito ang bagong kabanata sa kanyang singing career.

Kuwento ni Gerald, “Masayang-masaya siya, sobrang natutuwa siya.

“Actually, naiyak ako dun sa text niya sa akin, lifting my spirit up.

“‘‘I’m so proud of you, congratulations in all your endeavors mo sa buhay and yung mga maaabot mo pa in the future.’”

Eleven years raw naghintay si Gerald para matupad ang pangarap niyang makapag-guest si Regine sa concert niya.

Ilang beses raw niyang sinubukan na kunin ito noon, pero palaging wrong timing at hindi nagtutugma ang kanilang schedule.

At sa wakas ay heto na nga, “Very thankful ako na finally ay napasagot namin si Ate Rej,” lahad ni Gerald.

“Personal na akong lumapit sa kanya this time, nagkaroon ako ng way para mahingi ang number niya,

“Nung mga nakaraan nakakausap ko rin siya pero… may schedule siya, so talagang hindi kakayanin.

“This time, sobrang thankful kami kay Ate Rej and sa kanyang team sa pag-accommodate sa amin.”

Ang tinutukoy niya na team ni Regine ay ang mga kapatid nito na sina Cacai Mitra at Deanne Roque.

Excited at kinakabahan si Gerald na makakasama niya finally ang Asia’s Songbird sa isang entablado.

Aniya, “Very excited ako but at the same time, terrified.

“Dahil, siyempre, si Ms. Regine Velasquez yung makakasama ko.

“And meron kaming isang napakagandang duet na ihahandog sa audience natin.

“Napapanahon yung kanta and napakaganda.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN