GMA actor Orlando Sol shoots kissing scene with guy for Star Music video series

IMAGE Noel Orsal

Orlando Sol launches his carrier single 'Kailan Darating ang Ayoko Na' via an online videoserye.


Nakilala si Orlando Sol bilang parte ng Masculados, isang all-male-singing group na may miyembro na may mga macho na pangangatawan. Madalas ding lumalabas si Orlando bilang actor sa GMA-7.

Ngayong 2017, isa nang recording artist ng Star Music si Orlando Sol para sa kanyang solo album titled Emosyon na may limang (5) tracks.

Kasama dito ang kanyang carrier single na ‘Kailan Darating Ang Ayoko Na?’ na magkakaroon ng music video series sa  YouTube Star Music Channel at Myx Channel na mapapanuod tuwing Biyernes na nagsimula noong April 28 at mapapanood tuwing Biyernes sa buong buwan ng May 2017.

 Sa press conference ng kanyang solo album na  ginanap sa 9501 Restaurant ng Abs-Cbn noong  April 26, 2017 (Wednesday)ay eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Orlando Sol tungkol sa kanyang bagong album at ito  ang kanyang pahayag:

You’re coming from the Masculados. Yung group ba ay nabuwag na or ongoing pa din at nag-solo ka lang?

Orlando: Actually buo pa rin siya until now. Nagsho-show pa din kami sa mga out of town shows. Naghahanap pa rin kami ngayon ng mga bagong kanta for our fifth album.

So member ka pa rin ng Masculados?

Orlando: Nandun pa rin ako. Yung kinaiba lang nito ay  mayroon akong solo album pero kasama pa rin ako doon sa grupo.

Anong sabi ng mga kasama mo? Hindi ba sila naiinggit na may solo kang album?

Orlando: Hindi naman. Supportive naman sila. Masaya naman sila para sa akin dahil ito, mayroon na akong album.

For the longest time, nakilala ka bilang GMA talent at lagi kang part ka ng programa ng GMA-7 na Karelasyon  at Magpakailanman. Ngayong nasa ABS-CBN ka bilang recording artist ng Star Music, ibig sabihin ba nito na lilipat ka nang network?

Orlando: Wala naman po akong station, e. Kumbaga freelance naman po ako. So kahit saan po may offer, kung papayagan po ako ng aking manager, tatanggapin ko po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag may offer dito sa ABS-CBN na acting project ay tatanggapin mo ba?

Orlando: Oo naman!

Ibig sabihin na wala kang kontrata sa GMA 7 ngayon?

Orlando: Wala po.

May mga upcoming projects ka pa rin ba sa GMA-7?

Orlando: Wala naman po. Naka-focus po ako ngayon dito sa aking album na Emosyon, under Star Music.

Hindi naman ‘yan yung dahilan kung bakit ka lumipat ng ABS-CBN? Kasi wala kang project dun sa GMA-7?

Orlando: Hindi naman po.

Since may Star Music album ka na, ibig sabihin ba nito na magso-solo ka na? O itututuloy mo pa din yung pagiging part nung Masculados?

Orlando: Pag ininvite po ako doon as a group, magpe-perform po ako doon. Pero as of now, dito muna ako naka-focus sa pagpo-promote ng aking Emosyon album.

Sino yung producer ng online drama ninyo?

Orlando: Production 56 under kay Direk Maryo J. Delos Reyes po saka Star Music.

Please tell us something about your role sa music video series niyo na ‘Kailan Darating Ang Ayaw Ko  Na?’

Orlando: Actually it’s based on a true story. Meron pong apat na characters dito. Si Joey, siya po yung pinaka-lead ng story. Nag-mahal po siya ng totoo. Ngayon, yung minahal niya na si Emma ay laging nawawala. Kumbaga pabalik-balik. Biglang pumasok ngayon ‘tong kanyang best friend na si Charles. Nagkaroon po sila ng relasyon.

So parang may gay issue?

Orlando: Oo.

Napanuod namin sa trailer na may kissing scene ka kay Blumark dito, hindi ka ba nailang doon sa eksena mo with Blumark?

Orlando: Hindi naman po, kasi as an actor po wala naman sa ‘kin yun. It’s just work.

Sino-sino yung mga kasama mo dito?

Orlando: Si Blumark Roces, siya po yung aking best friend dito na si Charles. Si Ruby Cayetano, si Melay, na siyang tukso sa aking buhay. At si Catherine Rem. Siya po yung aking leading lady na si Emma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasabi mo sa presscon na  gusto mo makatrabaho si Angeline Quinto at si Jonalyn Viray. Bakit sila?

Orlando: Kasi lagi ko silang napapanood saka sobrang gagaling nila.

So kaya mo makipagsabayan ng birit sa kanila?

Orlando: Sana po.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN