Will Regine Velasquez sign management contract with Viva?

IMAGE Courtesy of Salve Asis

Viva big boss Vic del Rosario on working again with Regine Velasquez: "Sobrang tuwa dahil medyo matagal na rin na hindi nagre-recording si Regine. Sa Viva niya gagawin ang kanyang 30th anniversary album, at the same time, yung concert. Nung sinabi sa akin ang cost [ng album at concert], hindi na ako tumawad. Sabi ko, game, game na 'yan. For the love of Regine."



Walang katotohanan ang balitang pipirma ng management contract sa Viva Artists Agency si Regine Velasquez.

Kontrata para sa bagong record album at sa 30th anniversary concert ng Asia’s Songbird sa Mall of Asia Arena, na gaganapin sa October 21, ang kanyang pinirmahan sa board room ng Viva Group of Companies ngayong Martes ng hapon, June 27.

“We’re partners, of course. Partner kami ng company nila with Cacai [Velasquez-Mitra] to do the concert,” paglilinaw ng Viva big boss na si Vic del Rosario Jr. tungkol sa collaboration nila ni Regine.

Patuloy niya, “Hopefully, pati mga probinsiya, magkakaroon kami ng mga tour.

“Talagang big celebration for Regine and kasabay nun ang kanyang much-awaited album na tatlumpo ang kanta.

“Thirty best songs of Regine na ni-record nang bago, all originals.

“Three discs, available before the concert.”

Ayon pa kay Boss Vic, “Kami sa Viva, siyempre excited.

“Sobrang tuwa dahil medyo matagal na rin na hindi nagre-recording si Regine.

“Sa Viva niya gagawin ang kanyang 30th anniversary album, at the same time, yung concert.

“Nung sinabi sa akin ang cost [ng album at concert], hindi na ako tumawad.

“Sabi ko, game, game na ‘yan. For the love of Regine.

“Proud kami dahil Regine is one of the biggest recording artists of all time.

“So, at least, proud kami na dito, sa Viva, lalabas yung kanyang 30th anniversary album. Thirty great songs.

“Ano ito, milestone. Ito yung second milestone after niya manganak. Important milestone.”

Posible rin kayang gumawa ng pelikula ulit sa Viva Films si Regine?

Ayon kay Boss Vic, “Kinukumbinsi ko pa siya ulit na kung puwede, gumawa siya uli ng pelikula.

“Kung makapili na siya ng project na gusto niya, kung meron siyang time.

“Siguro after the concert… early next year… a new movie.”

Malaki ang kinalaman ni Boss Vic sa successful movie career ni Regine dahil siya ang nagkumbinsi sa Asia’s Songbird na gumawa ito ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First movie ni Regine, sa Viva rin. Yung Untouchables

“One of the most bankable singers si Regine.

“Alam mo, bihira yung singer na nakakatawid ng pelikula. Isa lang siya doon.

“Bihira… ayoko nang mag-mention ng hindi nakatawid.

“Si Regine, nakatawid from a good singer into a good actress.

“Naniniwala talaga ako kay Regine.

“Kinumbida niya ako na manood ng Noli Me Tangere [a musical play]. Pinadalhan niya ako ng imbitasyon.

“Ang ganda ng kanyang acting. Sabi ko, ‘Puwede ka na palang umarte. Gumawa ka na ng pelikula.’

“Actually, na-inspire ako talaga. I really wanted to get a singer who can be an actress because, siyempre, nung time na ‘yon, yun ang time na nawala si Sharon [Cuneta] sa Viva,” pagbabalik-tanaw ni Boss Vic tungkol sa pagsisimula ng acting career ni Regine.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN