Ogie Alcasid fulfills dream of recording with an orchestra

IMAGE Rose Garcia

OPM stalwart Ogie Alcasid finally ticks off another item off his bucket list with the release of his NakakaLokal album, which he recorded with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra: "Bihirang mangyari ito na ang isang artist ay nabigyan nila ng pagkakataon na makapag-record with the orchestra. Natutuwa naman ako na binigyan ako ng chance ng ABS-CBN, I'm so happy."

 


Pangarap ni Ogie Alcasid ang makapag-record ng album kasama ang Philharmonic Orchestra.

Ito ay isang pangarap na binigyang katuparan ng Star Music sa bago niyang album, ang NakakaLokal.

Hindi naman itinanggi ni Ogie na ang konseptong ito ng bago niyang album ang nagpatibay lalo ng desisyon niya noon na maging Kapamilya na nga.

“Ito talaga ang tinanong ko, 'Puwede ba akong mag-record with the orchestra?'

“Sagot nila, 'Of course!'” saad ni Ogie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naging mall show niya kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa Robinsons Magnolia noong July 22.

Sabi pa niya, “E, kasi singer talaga 'ko.

“Noong nasabi nila na, 'Sige, magre-record ka,' gagawa ka ng mga kanta para sa mga teleserye, biglang naano yung creative side ko.”

Alam niyang ang ABS-CBN lang talaga ang magbibigay katuparan sa pangarap niyang yun?

Lahad niya, “Well, sila lang ang may orchestra.

“Pangalawa, hindi pa ako nakakagawa ng album sa Star Music.

“So, excited ako. Nagpaalam naman ako.

“Galing ako ng Universal, di ba?

“Sabi ko, I just have... meron akong gagawing special project.

“Sabi lang nila, with the orchestra, go ahead.”

FOCUS ON SINGING CAREER. Kahit may mga shows naman si Ogie sa Kapamilya network, mas lamang talaga sa kanya ngayon na focus siya sa singing career niya.

Aniya, “Hindi ko dapat pabayaan.

“Parang sabi sa akin ni Lord, '‘Yan ang binigay ko sa ‘yo.'

“'Huwag ka na munang mag-comedy-comedy. '

“'Focus ka na lang muna sa music.'

“So ito talaga ang ginagawa ko, tutok talaga ko.”

ALL-ORIGINAL SONGS. Ang NakakaLokal album ni Ogie ay naglalaman ng sampung tracks kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Meron din silang medley ng kanyang misis na si Regine Velasquez.

Ayon kay Ogie, “Alam niyo, mahirap mag-release ng all-original ngayon.

“Pero natutuwa sila sa NakakaLocal, natutuwa sila sa tema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang kanina meron yatang bumili ng 300 CDs.

“Okey siya, siyempre, kasama natin ang orchestra, so may premium, di ba?”

THANKFUL TO ABS-CBN. Madalang lang sa isang singer na makapag-mall show katulad ng ginawa niya sa NakakaLokal mall show niya na kasama niya ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Saad niya, “Bihirang mangyari ito na ang isang artist ay nabigyan nila ng pagkakataon na makapag-record with the orchestra.

“Natutuwa naman ako na binigyan ako ng chance ng ABS-CBN, I’m so happy.”

Konsepto rin ni Ogie ang naturang album.

Pagmamalaki niya, “Lahat!

“From the songwriting to the production.

“So co-producer ko si Jonathan Manalo.

“So nilatag naming lahat.”

FAMILY'S SUPPORT. Sa naging mall show ni Ogie sa Robinsons Magnolia, suportado siya ng buong pamilya niya.

Kasama ni Ogie ang misis niyang si Regine na na-feature din sa album, pati na rin ang mga anak na sina Leila at Nate.

Ano nga ba ang pakiramdam na kumpleto halos ang pamilya niya at naka-suporta sa kanya?

Pahayag niya, “Nakaka-ano, nakakawala ng nerbiyos kapag nandiyan sila.

“Kasi, alam nila ang dinaanan ko noong ginagawa ko yung album.

“Yung support nila siyempre nandun kapag nandoon sila.

“Nabubuhayan ako.”

MILESTONE. Ika-50 kaarawan na ni Ogie ngayong August.

Sabi nga namin sa kanya, parang naging mabunga at mapalad siyang talaga.

“Siyempre dumaan din tayo sa pagsubok.

“Pero God is good. Very merciful. Ngayon, kumpleto ang pamilya ko.

“Maganda naman ang health naming mag-asawa.

“Maganda ang career ng asawa ko, ako okey rin naman ako.

“So God is good,” pagpapasalamat niya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN