Maris Racal admits, "Super close kami ni Iñigo pero..."

IMAGE Julian Mauricio

Maris Racal will be part of the upcoming movie Haunted Forest.


Naging maingay kamakailan sa social media ang tambalang Maris Racal at Iñigo Pascual.

Matapos ang kanilang duet sa One Music PH digital concert (kung saan kinanta nila ang “My Boo” nina Alicia Keys at Usher) ay naging usap-usapan ng netizens ang chemistry nila.

Umani ng 26,000 reactions, 1,500 comments at 560,000 views ang naturang video nila na mapapanood sa Facebook fanpage ng One Music PH.

Ngunit kahit maraming nagsasabi na bagay sila ng binatang anak ng aktor na si Piolo Pascual, iginiit ni Maris na magkaibigan lang sila ni Iñigo.

“Wala, wala talagang malisya yung sa amin,” diin niya nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng Haunted Forest, ang susunod niyang pelikula mula sa Regal Films.

“Off-cam or off-stage, kung hindi kami nagpe-perform, friends kami.

“Super close kami ni Iñigo pero hindi naman umaabot sa ligawan stage.

“Natutuwa lang kami na nakikita ng fans yung chemistry namin.”

BACK-TO-BACK CONCERT? Sa tindi ng clamor ng fans para sa tambalang Maris at Iñigo—na pinangalanang “MarNigo”—nagsagawa din ang One Music PH ng digital concert para sa kanilang dalawa.

May ilang fans din na humiling na makatapat ng MarNigo ang tambalang Bailey May at Ylona Garcia sa isa ring digital concert.

Inamin ni Maris na pinag-aaralan ng kinauukulan ang posibilidad ng digital concert para sa kanilang apat nina Bailey, Iñigo at Ylona, pero wala pa raw konkretong plano tungkol dito.

BUSY WITH PROJECTS. Sa ngayon ay busy si Maris sa Haunted Forest at sa kanyang career bilang singer-songwriter.

Malapit na niyang ilunsad ang carrier single niya na “Take it All Away” sa ilalim ng One Music PH label.

Kabilang din siya sa cast ng isang upcoming teleserye ng ABS-CBN, ngunit tumanggi siyang magbigay ng detalye tungkol dito kasi nasa development stage pa rin daw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Siyempre masaya po ako na ang dami kong projects.

“Lalo na po itong Haunted Forest, sobrang excited ako para dito.

“Marami po kasi akong kasama dito na hindi ko pa nakakatrabaho.

“I’m looking forward na makaeksena ko sila.”

NOT CLOSING HER DOOR TO LOVE. Kahit na sobrang busy ni Maris ngayon, mukhang meron pa rin naman siyang oras para sa love life niya.

Ayon sa dalaga, bukas naman siya sa posibilidad na magka-debelopan sila ni Iñigo.

Lahad niya, “Hindi ko naman po sinasarado yung pinto ko kay Iñigo in the future.

“Open naman ako sa lahat. Work-work lang muna talaga sa ngayon.

“Pero hindi ko alam kung ano ang mangyayari in the future.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN