Martin Nievera: "Maraming mga singers ngayon puwedeng mag-exchange, magpalit ngayon kay Gary, sa akin."

by Melba R. Llanera
Aug 13, 2017
While Martin Nievera is grateful for his achievements, he is also very hopeful for the future of OPM. "Well, actually, maraming mga singers ngayon puwedeng mag-exchange, magpalit ngayon kay Gary [Valenciano], sa akin," said Martin.


Pinarangalan ng Lifetime Achievement award ng ABS-CBN radio station na My Only Radio (MOR) si Martin Nievera dahil sa di matatawarang kontribusyon nito bilang isang mahusay na OPM singer. Ginanap ito noong August 6 sa KIA Theater.

Masayang-masaya ang Concert King sa pagkilala na pinagkaloob sa kanya ng naturang radio station.

Aniya, “It feels great. It’s an honor to receive any award but, moreso if [it] has to do with OPM music.

“Talagang yan ang first love ko more than television, hosting, or anything else that I do.

“To be a Filipino singer is one of the biggest blessings I can have in my life.

“To sing for Filipino people around the world not just in the Philippines is the biggest blessing that I can.”

Hinikayat din ni Martin na patuloy pang suportahan ang OPM.

“You have to keep supporting OPM, keep it alive, and you’ll see more people like me receiving awards just like this.”

Continue reading below ↓

Maraming singers na ang dumating at nawala, pero masasabing wala pa nga raw talaga ang makakapalit sa trono nina Martin at Gary Valenciano bilang haligi ng local music industry.

Subalit naniniwala ang Concert King na maraming mahuhusay na singers ngayon ang maaari na nilang pasahan ng trono nila ni Gary.

Saad ni Martin, “Well, actually, maraming mga singers ngayon puwedeng mag-exchange, magpalit ngayon kay Gary, sa akin.

“The singers that are out now, iba yung style nila, iba yung genre ng music nila, pero welcome na welcome sila sa industry para mabuhay muli ang OPM…

“Para hindi lang kaming dalawa ni Gary ang may hawak ng torch.

“Kailagan i-pass the torch muna, di ba?” sabi ng veteran singer.



Read Next
Read More Stories About
Martin Nievera
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
While Martin Nievera is grateful for his achievements, he is also very hopeful for the future of OPM. "Well, actually, maraming mga singers ngayon puwedeng mag-exchange, magpalit ngayon kay Gary [Valenciano], sa akin," said Martin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results