Jake Zyrus says he's nothing compared to Charice

IMAGE Noel Orsal

Jake Zyrus on his past experiences as Charice: "I'm going to be honest, lahat yun, lahat ng narating niya, hindi para sa akin as Jake."



Dapat na bang kalimutan ng publiko si Charice?

“Yes, I'd like to be reconized as Jake Zyrus, just Jake Zyrus,” sabi ng 25-year-old singer sa press conference para sa kanyang upcoming concert titled I Am Jake Zyrus.

Kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang maalala siya ngayon ng publiko sa bago niyang katauhan bilang transgender man.

“Kasi, yung Charice, happy ako sa lahat ng na-experience niya, lahat ng achievements niya.

“Pero I'm going to be honest, lahat yun, lahat ng narating niya, hindi para sa akin as Jake,” sabi niya sa kanyang September 5 interview.

Paliwanag pa niya, “It's not to disrespect the name at lahat ng experiences as Charice. I'm not going to disrespect that.

“Siyempre, yung name na Jake Zyrus, hindi ko lang siya pinili because kailangang baguhin as an artist.

“Binago ko yun, inisip ko yung screen name na yun as a person.

“Yun kasi yung, especially transgender, importante yung pangalan gusto nila, yung pangalan na talagang naka-assign sa kanila.

“Yung thinking na yun ang pangalan na para sa amin, so yun ang nararamdaman ko.”

JAKE IS NOTHING COMPARED TO CHARICE. Sa kanyang pagpapakilala bilang isang transgender, pakiramdam ni Jake na tila nag-uumpisa siya ulit sa kanyang singing career.

Sa katunayan, malayo na raw ang dati niyang pagkatao sa kung ano siya ngayon.

“Hindi na mako-compare [si Charice] kasi para sa akin, ibang tao na siya.

“Iba yung achievements niya, iba yung narating niya.

“And parang yun din ang goal ko sa buhay, when people see me as Jake, I want them to see me as a person that I wanna be, ibang tao na.”

Kung si Charice noon ay kilalang-kilala na sa loob at labas ng Pilipinas, sabi ni Jake, “Ngayon, pagpapakilala ko as if I'm not different from anybody else.

“Sa totoo lang, ang gusto kong sabihin, I'm Jake, I'm just a simple guy, a singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala akong maipagyayabang na, 'Hindi, ganito ang ginagawa ko, ganyan,' because I know there are so many talents out there who are better than me.

“Ang maipagmamalaki ko lang po is I know that I work hard for what I want.”

Sa ngayon, sabi ni Jake, ang tanging gusto niyang gawin ay maibahagi ang kanyang musika. At isang paraan ang gagawin niyang concert na I Am Jake Zyrus sa October 6 sa Music Museum.

“Determined ako to share my music to everyone,” sabi niya.

“Determined akong maramdaman nila yung music na gusto kong maiparating sa kanila.

“As much as possible, tina-try ko na iparinig sa kanila kung ano yung mga bagay na hindi ko maipakita before.

“As a singer and as an artist, yun lang po ang gusto kong iparating sa kanila as Jake.

“Just like anybody else na nagi-start as a singer, as an artist, ganun din po ako. I work hard para marating ko ang mga pangarap ko.”

@jakezyrusmusic sings a song that describes his life right now. I'm moving on by Rascal Flatts.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN