Bailey May to join global pop group Now United; Jane de Leon drops hint about Philippines Now United

IMAGE Noel Orsal

Jane de Leon says she could still get Hollywood projects through the help of Simon Fuller, the creator of American Idol and former manager of the Spice Girls.



Introducing ang former GirlTrends’ member na si Jane de Leon sa The Debutantes, ang horror movie ng Regal Entertainment Inc.na ipalalabas sa mga sinehan simula sa October 4, 2017.

Hindi lamang ang inclusion niya sa cast ng The Debutantes ang achievement ni Jane dahil kasama siya sa apat na teen stars na nagkaroon ng training kamakailan sa Hollywood. 

Naging bahagi si Jane sa boot camp ng Now United, ang global pop group na itinatag ni Simon Fuller, ang creator ng American Idol at dating manager ng Spice Girls.

Nakasama ni Jane sa Now United boot camp ang kapwa ABS-CBN stars na sina Bailey May, Ylona Garcia, at AC Bonifacio.

Hindi makapaniwala ang baguhang aktres na kabilang ito sa napili at ipinadala ng Star Magic sa Hollywood dahil nakapasa siya sa audition.

Kuwento ni Jane, “Pina-audition po kami last month sa Star Magic, karamihan po sa mga artist, mga teen.

“Actually, noong una po, wala po talaga akong idea kung ano 'yon. Nalaman ko na lang po yung about Now United, nung na-shortlist na po kami.

“Kararating ko lang po galing Los Angeles. Ang ginawa po namin is nag-training kami nina Ylona, AC, pati si Bailey. Nag-training kami, kasama yung mga finalist na representative ng iba’t-ibang bansa.

“Nag-perform po kami sa harap ni Simon Fuller, pati sa mga sikat na artista sa Hollywood.

“Nakasama rin namin yung ibang malalaking artista, tulad ni Miley Cyrus."

(Read: Bailey May meets Miley Cyrus; gets trained in Hollywood along with Ylona Garcia)

Layunin ng boot camp na ito na pumili ng members para sa bagong global pop group.

Pagpapatuloy ni Jane, “Halos two weeks kami [sa Los Angeles]. Pinag-usapan namin kung paano ang gagawin sa pagko-concert around the world, sa Hollywood, international…"

Ni-reveal ni Jane na kabilang ang kanyang fellow Star Magic talent na si Bailey May sa Now United.

“Hindi na po kami babalik. Actually, ang nakuha po si Bailey kasi they need guys po. Ang gagawin po nina Simon Fuller, pupunta sila sa Philippines para kausapin uli kami nina Ylona, AC and mag-train pa po. Baka kasi mag-concert din po kami like Now United.

“Ang Now United ay isang international pop group na magko-concert around the world.

"May mga nakuha na po para sa Now United and isa na po ang representative ng Philippines pero yung hindi po nakuha, bibigyan ng projects through Hollywood, just like Vogue magazine, mga franchise and pupunta po sila dito para i-train pa po kami.

“Kinausap po kami ni Simon. Parang sinabi niya na magkakaroon ng Philippines Now United,” ang kuwento ni Jane na overwhelmed sa kanyang mga naranasan sa dalawang linggo na pamamalagi niya sa Hollywood.


Stories We Are Tracking

Bailey May meets Miley Cyrus in Hollywood bootcamp
Bailey May meets Miley Cyrus in Hollywood bootcamp




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN