Ogie Alcasid jokes about his extended service as OPM President: "Walang ibang gustong mag-presidente."

IMAGE Noel Orsal

Gusto ni Ogie Alcasid na lalo pang mapalakas ang OPM music sa bansa kaya hinikayat niya ang mga Pinoy singers na sumali sa Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM).



Hinihikayat ni Ogie Alcasid ang lahat ng mga mang-aawit na Pilipino na sumali sa kanilang samahan na Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM).

Si Ogie ang kasalukuyang presidente ng samahan.

Ayon pa sa singer-songwriter, marami ang makukuhang pribilehiyo ng kanilang mga miyembro.

Kuwento niya, “I wanted them to be an OPM member, because I really wanted them to feel what it is like to be a member of OPM.

“And at the same time mailabas natin ang branding ng OPM (Original Pilipino Music) sa mass media at sa mainstream television.”

Sa induction ng mga grand finalists ng "Tawag Ng Tanghalan" ng It's Showtime (Season 1) bilang mga bagong miyembro ng OPM noong Martes, September 26, sa ABS-CBN, sinabi ni Ogie na malaki ang maitutulong ng organisasyon sa mga singers lalo na kapag may mga naging problema sila sa kanilang trabaho.



Aniya, “OPM is like an NGO, hindi kami sakop ng gobyerno. Naging presidente ako dahil ako'y in-assign nung nakaupong presidente noon.

“In our organization, which we are an organization of singers, we had an election, I have been president since 2010, so I am overstaying. Wala, walang ibang gustong mag-presidente.”

Dagdag pa niya, “Privileges? One, because they are a member, they pay annually P1000, we have to help them if they have legal problems either with their manager or the place they worked for.

“Halimbawa they sing in a bar, they have a problems with the bar owners, they're not getting paid.

“We also have assistant for health, meron kaming health coverage.

“Also, they become part of an organization that is world-renowned.

“Many, many projects that they can be a part of.”

Nilinaw naman niya na hindi kailangang professional singers bago ka maaring tanggaping miyembro ng OPM.

Saad pa niya, “As long as you make a living out of singing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN