Former 2NE1 member Sandara Park confirms receiving movie offer in the Philippines

IMAGE Anj Sampayan

Former 2NE1 member Sandara Park talked about her upcoming projects at the press launch of Head & Shoulders Supreme held last October 10 at Green Sun, Makati City.



Maiging pinaghahandaan ng former 2NE1 member na si Sandara Park ang kanyang K-Pop comeback.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dara (palayaw ni Sandara) sa press launch ng Head & Shoulders Supreme noong October 10 sa Green Sun, Makati City.

A post shared by Sandara Park (@daraxxi) on


Dito inanyayahan ni Dara ang kanyang mga fans na abangan ang kanyang solo music.

Sabi ng 32-year-old singer-actress, "Actually, music is my number one priority so I'm trying to make it work."

Noong 2014 pa huling naglabas album si Dara. Ito ay ang Crush, ang second album ng 2NE1 kung saan kasama niya sina CL, Park Bom, at Gong MinJi. 

Noong November 2016, pormal na inanunsiyo ng YG Entertainment, ang kanilang talent management company, na maghihiwalay na ang kanilang grupo.

Ilang buwan matapos nito, ni-release ang kanilang final single titled "Goodbye."

PERFORMING WITH G-DRAGON. Masaya si Dara na muli siyang nakapag-perform sa concert stage sa Pilipinas. 

Marami ang kinilig nang mag-perform siya kasama ang kapwa YG Entertainment artist at Big Bang member na si G-Dragon sa Manila leg ng Moment of Truth The End (M.O.T.T.E) World Tour.

Ginanap ito sa Araneta Coliseum, Quezon City noong September 1.

Kuwento ni Dara, "Super fun! Sa Araneta pa yun! Araneta is one of my favorite places to perform. 

"Kasi I was there, like fourteen years ago for Star Circle Quest. so very memorable sa akin yun."


Nagpasalamat din si Dara dahil marami ang sumuporta sa kanila ni G-Dragon sa concert.

Aniya, "Siguro feeling ko, ang galing ni GD magpa-kilig. Kasi pati yung mga friends ko sabi nila... hindi sila maka-K-Pop pero sabi nila kakaiba si GD, so respect."

MOVIE COMEBACK. Bukod sa kanyang musical comeback, nais rin ni Dara na muling makagawa ng pelikula dito sa bansa. Inaayos na rin daw ang pelikulang gagawin niya sa Pilipinas. 

"I would love to do a movie here again," pahayag niya. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, may offer na, I'm just waiting for the script."

A post shared by Sandara Park (@daraxxi) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN