Is Morissette Amon planning to leave Birit Queens group?

IMAGE Noel Orsal

Morissette Amon addresses rumors indicating that she will leave the ASAP group Birit Queens in favor of out-of-the-country offers.



Kasunod ng viral performance ni Morissette Amon sa Asian Song Festival ay ang pag-ugong ng balita na baka iwan na raw ng singer ang grupong Birit Queens.

Nag-perform si Morissette sa Busan, South Korea nitong Setyembre at dahil daw dito ay nagkaroon siya ng ilang out-of-the-country offers.

Marami sa mga fans ng grupo ang nalungkot lalo’t isa na sa inaabangang segment sa ASAP ay ang production number ng Birit Queens. Ang naturang grupo ay binubuo nina Klarisse de Guzman, Jona Viray, Angeline Quinto, at Morissette.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Morissette noong October 15 sa set ng ASAP, aminado ang singer na may mga out-of-the-country offers nga sa kaniya, pero sa ngayon ay wala pa naman daw sigurado sa mga ito.

Aniya, “Offers? Working on it, ipag-pray natin.

“I don’t know rin kasi kung paano ang takbo nun kasi pine-pray pa lang namin na mag-work ang lahat.

“Siyempre ako, I’m very grateful na may Birit Queens kasi visible kami every Sunday.

“Sobrang laking tulong, siyempre ang daming sumu-support din, kaniya-kaniya, individually, and as a group so we’re really thankful."

Pinagmalaki rin ni Morissette ang recognition na kamakailan lang ay natanggap ng kanilang grupo.

Lahad niya, “Actually, nanalo pa kami ng award, yung Birit Queens as Concert Performer of the Year sa Eduk Circle, so we’re very grateful.

“Thank you very much.”

BIRIT NO MORE? Binigyang-linaw din ng singer ang usap-usapang baka mawala na raw ang grupo nila sa ASAP dahil ilang linggo na rin silang hindi napapanood sa ABS-CBn Sunday variety show.  

Paliwanag ni Morissette, “Ang mase-say ko lang about dun kasi before I left, kasi umalis ako for the States, tour and then nag-Korea ako, mga two weeks akong wala.

“Before ako umalis, nakapag-taping kami ng two prods supposedly for airing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagtaka lang din ako bakit di nila nai-ere.

“Kami, okay lang naman kami ngayon, right now pino-focus nila sa Himig Handog, me and Ate Jona, interpreter kami this year.

“As [to the] rumors na parang mawawala ang Birit Queens, wala namang nakarating sa akin,” saad ng 21-year-old Kapamilya singer.

PRE-SHOW JITTERS. Naging maganda ng reception ng Korean audience sa performance ni Morissette sa 2017 Asian Song Festival.

Nakaramdam ba siya ng anumang takot bago sumabak sa stage? 

“Nung una, sobrang kinabahan ako kasi ang laking task for me to represent our country,” kuwento ng dalaga.

“But I feel very, very honored ‘cause napili ako ng Korean embassy.

“They really tried to find ways na maka-reach sa akin, they talked to my manager Tito David, naging possible ang lahat.

“I’m very happy na yung feedback din ng mga Pinoy after nung performance, naging viral pa yung video so very, very happy and thankful.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN