Jeric Gonzales elated over positive feedback on his duet with Jim Paredes

IMAGE Noel Orsal

Jeric Gonzales (in photo) feels inspired by the positive feedback he's been getting for his duet collaboration with the former APO Hiking Society member: "Nakakatuwa na marami ang nagkagusto sa duet namin ni Sir Jim Paredes sa Playlist. Nagulat sila na nakakakanta rin pala ako. Kaya doon na nag-start yung idea na balikan ko ulit ang music since iyon naman ang hilig ko talaga."



Isang taon na palang hindi naka-cast sa anumang teleserye ang GMA-7 actor na si Jeric Gonzales.

Huli siyang napanood sa Oh, My Mama noong pang 2016.

Pero ayon sa aktor, hindi naman siya napapabayaan dahil marami siyang guestings sa iba’t ibang shows ng GMA-7.

“Tinanong ko naman po sila at meron naman daw akong sasalihan na show.

“Inaayos pa lang daw nila ‘yon.

“So habang wala pa akong regular show, puro guestings muna and out-of-town shows.

“Nami-miss ko na nga ang mapuyat sa taping, e.

“Pero I took this opportunity na mag-workout at magpapayat.

“Para in case na bigla nila akong ipasok sa isang show, ready po tayo.

“Ngayon malaki na ang na-lose kong weight. Pumayat na rin ang mukha ko.

“Kaya hindi na siya matabang tingnan sa TV ngayon,” pagmamalaki ni Jeric sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya last October 14 sa set ng Stories For The Soul sa Fairview, Quezon City.

SHARING GOD'S WORD. Natuwa naman si Jeric nang mag-taping na siya para sa isang episode ng Stories For The Soul kunsaan kasama niya sina Martin del Rosario at Juan Rodrigo.

Mga modernized biblical stories ang tampok sa show na ito na siyang ipe-present ni Senator Manny Pacquiao.

Ang episode nila ay ang The Prodigal Son.

“Since taong simbahan po ako at naging sakristan noong bata ako, alam ko ang mga Bible parables.

“Every Sunday din noon, I attend catechism school.

“Kaya lahat ng mga stories sa Bible alam na alam ko.

“Isa itong The Prodigal Son ang pinaka-popular na parable at gusto naming ipaalam ito sa maraming kabataan ngayon na nakakalimutan na ang mga kuwento sa Bibliya,” diin pa ni Jeric.

Sa modernized version ng The Prodigal Son, si Jeric ang pasaway na anak samantalang si Martin ang responsableng kapatid.

Ayaw ni Jeric na magtrabaho sa bakery ng kanyang ama kaya hiningi na nito ang kanyang mana at pumunta ng Maynila para maging artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun kasi ang dream ng character ko. Yung maging sikat na artista.

“Pero hindi siya naging successful kasi ayaw niyang makipagrelasyon sa isang bading na manager.

“Papasikatin daw ako, pero kailangan may mangyari sa amin.

“Dahil sa tumanggi ako, walang nangyari.

“Naging palaboy ako sa Manila hanggang sa maisipan ko na umuwi ng probinsya at bumalik sa tatay ko na pinatawad ako,” kuwento pa ni Jeric.

REKINDLING PASSION FOR MUSIC. Binalikan din ni Jeric ang hilig niya sa music at nasa plano niya ang mag-produce ng isang single.

Isa sa mga talents ni Jeric noong mag-audition at manalo ito sa Protégé: The Battle For The Next Artista Break noong 2012 ay ang pagkanta. 

Gusto niyang muling ipakita ang talent niyang iyon.

“After ko pong manalo sa Protégé, sa acting agad ako sinalang ng GMA-7.

“Pero ang gusto ko talaga ay ang kumanta.

“I had a band before at lead guitarist ako at vocalist.

“Ngayon gusto kong ibalik ang hilig kong iyon.

“Gagawa lang po kami ng isang single at tingnan natin kung magiging okay siya.

“Gagawa rin kami ng isang music video para ma-upload ito sa social media.

“Hopefully mapansin ito,” balita pa niya.

Maganda kasi ang naging feedback ng paglabas ni Jeric sa Playlist sa GMA Online kunsaan naka-duet niya si Jim Paredes ng pamosong APO Hiking Society.

“Nakakatuwa na marami ang nagkagusto sa duet namin ni Sir Jim Paredes sa Playlist.

“Nagulat sila na nakakakanta rin pala ako.

“Kaya doon na nag-start yung idea na balikan ko ulit ang music since iyon naman ang hilig ko talaga,” lahad pa niya.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN